Ni Rommel Gonzales
ANG guwapo pa rin ni David Celdran, at tulad noon, mahusay pa ring host.
Si David ang host sa luxury car auction ng negosyanteng si Sam Versoza na ginanap sa headquarters ng Frontrow sa Quezon Avenue nitong Linggo, September 29.
May espesyal na trivia ang pagkuha ni Sam kay David bilang host, taong 1999 ay sumali si Sam sa Battle Of The Brains na sikat na show noon kung saan naglalaban sa patalinuhan ang mga kalahok.
Estudyante pa lamang si Sam noon na estudyante ng Angelicum School sa Quezon City.And after twenty seven years, muling nagkrus ang landas ng dalawa dahil nga sa event ni Sam.
And in fairness, maging si Sam na noong estudyante pa lamang ay napakakyut, ngayon ay napakaguwapo na rin, kaya nga bagay sila ng napakaganda niyang girlfriend na si Rhian Ramos na dumalo rin sa charity event niya.
Charity event ang pagbebenta ni Sam ng mga mamahalin niyang kotse dahil ang kikitain ay gagastusin sa pagpapatayo ng mga dialysis at diagnostic centers sa lungsod ng Maynila.
As in ang kabuuuang halaga ng mga kotse ay tumataginting na two hundred million at lahat, as in lahat, ng napagbentahan ay gagamitin sa mga ospital na ipatatayo ni Sam na tatakbong mayor ng Maynila sa Mayo, 2025.
Going back sa muli nilang pagkikita ni David, binalikan ni Sam ang nakaraan noong contestant siya sa Battle Of the Brains.
Lahad ni Sam, “Fifteen to eighteen thousand pesos everytime we win. Ang laki nun kapag estudyante ka.
“I was fifteen years old at the time, so malaking pera noong time na iyon.”
At dahil hindi pa mayaman noon si Sam, damit ang binili niya sa napagwagian niyang salapi.
“The usual, wala akong damit. Yun ang una kong binili.”
Pagpapasalamat pa ni Sam kay David sa gabi ng auction…
“Thank you sa Battle Of The Brains, thank you Sir David na naging part ng journey ko, and that gave me confidence para lalo akong magsumikap, mag-aral na mabuti. The rest was history.”
At ayon naman kay David, isang malaking karangalan na minsan ay naging parte siya ng buhay-estudyante ni Sam.
Ani David, “I am really honored. I have no idea the show would have that effect on you.”