Advertisers

Advertisers

Ateneo winalis ang Arellano; UST, La Salle abante

0 24

Advertisers

WINALIS ng Ateneo de Manila ang Arellano University,25-17,25-18,25-18, para patatagin ang kanilang kapit sa playoff berth ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila Sabado.

Zey Pacia at Lyann De Guzman umiskor ng tig-10 points para sa Blue Eagles at samahan ang Lady Chiefs sa ibabaw ng Pool A sa 2-1.

Marianne Padillon, Fhaye Mangubat, Kacelyn Punzalan at Samantha Tiratira umiskor ng tig-5 points para sa Lady Chiefs.



Samantala, nakamait ng De La Salle University at University of Santo Tomas ang kanilang puwesto sa susunod na round.

Angel Canino umiskor ng 15 points on 11 kills, two kill blocks at two aces para sa La Salle na nakaligtas sa Letran College, 25-7, 25-21, 22-25, 25-15, para makamit ang second win sa Pool C Biyernes.



Katrina Del Castillo bumakas ng nine points habang si Amie Provido at Shane Reterta nagdagdag ng tig-8 puntos.

Gia Maquilang umiskor ng 17 points para sa Knights, na natikman ang kanilang ikalawang kabiguan sa tatlong salpukan



Gayunpaman, Winasiwas ng UST ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-17, 25-17, 21-25, 25-19, para sa ikatlong dikit na tagumpay sa Pool B.

Angge Poyos nagtala ng 15 points habang si Regia Jurado nagdagdag ng 13 points para sa Growling Tigresses, na makakaharap ang University of the East Warriors alas 3:30 ng hapon Linggo.