Advertisers

Advertisers

Bacyadan nasilo ang ginto sa Asian Kickboxing Championship

0 29

Advertisers

NANGIBABAW ang Filipino Olympic boxer Hergie Bacyadan sa international competition matapos masilo ang gintong medalya sa the Asian Kickboxing Championship sa Cambodia Sabado.

Nagwagi si Bacyadan ng gold medal sa K1-70kg division ng paligsahan via abandonment laban kay Jinwei Teng ng China.

Dinomina ng 29-year old ang finals na pinatumba ang pambato ng Cambodia sa loob lang ng 49 segundo.



Ayon sa Samahang Kickboxing ng Pilipinas,ang weight category ay qualifying event para sa World Combat Games na nakatakda sa Chengdu, China sa susunod na taon.

Ang fighter ay nagdeliver ng isa sa tatlong Filipino medals sa kumpetisyon.



Jovan Medallo nagbulsa ng 2 gold medals sa musical forms with weapons at musical forms open hand. Nagkamit rin siya ng bronze medal sa creative form with weapon.

Janah Lavador kumita ng 3 gold medals sa musical forms with weapon,musical forms without weapon at creative form with weapon categories.



Samantala, Renz Dacquel nagbulsa ng bronze medal sa low kick-48 kg women category,habang si Lance Airon Villamer (point fighting -63 kg) at Daryl Chulipas (full contact -51) nakasilat rin ng bronzes.

Sa kasalukuyan,tatlo pang Filipinos ang sasabak para sa medalya sa paligsahan – – Carlo Von Bumina-ang, Honorio Banario at Gina Araos.