Advertisers
Bakit ang mga mayor sa Metro Manila pinagbawal maglabas ang mga Senior Citizen? Eh karamihan ng senior citizens may trabaho at may katungkulan. Karamihan ng mga senador, mayor, congressman at cabinet members ni Presidente Duterte mga matanda na. Itong mga mayor hintay ninyo ang 2022 election, sigurado kayo walang boboto sa inyo, kahit sa Brgy. Captain pa kayo magbigay ng pera. Alam ng mga botante na korap rin ang mga Chairman. Matalino na ang mga botante ngayon, bawat barangay. – Concerned citizen
Mga pokpok naglipana sa Recto Avenida (Manila) kahit may pandemya
TEXT BRIGADE: KAHIT LAGANAP ANG PANDEMYANG COVID-19, SA PAG-IIKOT NG MATA NG LANSANGAN NAGLIPANA PARIN ANG MGA KAMAG-ANAK NI MAGDALENA, MGA BABAENG MABABABA ANG LIPAD DYAN SA PANULUKAN NG RECTO AVENIDA. MGA SIR , BAKA MAKALABIT KAYO, KAYO RIN BAKA MAHIRAP ANG HIV? MGA NAKAPARADANG SASAKYAN DYAN SA HARAPAN NG ISETAN-RECTO, AT TALAMAK PARIN ANG GAWAAN NG MGA HUWAD NA DOKUMENTO. YORME, DAPAT MALAGAY NA SA HAWLA ANG MGA PASAWAY NA GUMAGAWA NG MGA HUWAD NA DOKUMENTO. KAWAWA NAMAN ANG MGA KABABAYAN NATING PROMDI NA MAKAKAKUHA NG HUWAD. – MATANG COBRA
Dugyot na kainan sa kalye ng Brgy. 41, Moriones, Tondo, Manila
Ako po ay nanawagan kay City Engineer, Armand Andres, ng Department of Engineering and Public Works, matapos ‘di naman aksiyonan ng pamunuan ng barangay ang reklamo tungkol sa nakahambalang na kainan at lutuan sa Lualhati st. corner Moriones st, Barangay 41 Zone 3 Tondo, Manila. Sinakop na po nito ang masikip na eskinita sa lugar. Akala ko po ba may utos si Mayor Isko ng zero obstruction sa mga kalye ng Maynila? Paki-bisita naman po ang lugar! – Concerned citizen
‘Wag nang mag-ceasefire vs NPA
Tama lang na walang holiday ceasefire. 50yrs na paulit-ulit na walang kinahihinatnang peacetalk. Magbibigay lang ito ng pagkakataon sa mga teroristang NPA na mag-regroup at mag-recruit ng mga bagong sasapi. Kawawa na naman ang mga kabataang mabibiktima at mapapaniwala sa kanilang baluktot na ideolohiya. – Concerned mamamayan
Kepweng at mga kasamahan niyang arbularyo, malaya kayong makakapamili. – Martin Reyes, Tundo