Advertisers

Advertisers

UST winalis ang Ateneo sa Shakeys Super League SL volleyball

0 14

Advertisers

WINALIS ng University of Santo Tomas ang Ateneo de Manila University,25-11, 25-20, 25-17, upang manateling unbeaten sa 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila Linggo.

Wing spiker Angeline Poyos nagdeliver ng 17 points,lahat mula sa attacks, para sa Tigresses na nakamit ang kanilang ikalimang tagumpay.

Jonna Chris Perdido nagdagdag ng nine points,kabilang ang anim sa first set,habang si Regina Grace Perdido umiskor ng anim sa kanyang eight points sa third.



Margaret Altea may three blocks at nagtapos ng seven points para sa UST.

Alexis Ciarra Miner pinamunuan ang Lady Eagles sa eight points on five attacks,two blocks at one ace.



Sasalakayin ng UST ang Far Eastern University sa Biyernes habang ang Ateneo susugurin ang University of thr Philippines sa Sabado.

Sa ibang laro, pinadapa ng University of the East ang College of saint Benilde,25-19, 25-18, 25-23.



Casiey Monique Dongallo umiskor ng 16 points on 15 attacks at one block upang pamunuan ang lady Warriors sa kanilang fourth win.

KC Cepeda at Jelaica Faye Gajero nag-ambag ng tig-seven points habang si Riza Nograles nagdagdag ng five points sa isang oras at 21 minutong encounter.

Clydel Catarig may 12 habang si Mary Grace Borromeo bumakas ng nine points para sa Lady Blazers.