Advertisers
Hindi naman lingid sa atin kaalaman o ng nakararami kung paano tayo (mamamayan) pinangangalagahan ng Philippine National Police (PNP) partikular na ang para sa seguridad.
Iba’t – ibang programa ang mayroon ang PNP laban sa kriminalidad matiyak lang ang kaligtasan ng komunidad. Hindi nga lang para sa proteksyon laban sa masasamang loob ang programa ng pulisya kung hindi nandiyan din ang pangkalusugan kabilang na rito ang medical/dental mission, feeding programa at iba pa.
Kung baga, ang serbisyo ng kapulisan sa komunidad ay hindi lang nakapokus hanggang kontra kriminalidad – sa puntong ito, masasabing hindi nagkulang ang Quezon City Police District (QCPD) sa milyong QCitizens na kanilang pinaglilingkuran. Salamat sa kapulisan natin.
Ang tanong, paano naman ang kapulisan natin – ang kanilang kaligtasan lalo na ang kanilang kalusugan lalo na ang kanilang serbisyo sa bayan ay 24/7 o walang oras na pinipili? Alam naman na buhay ang kanilang ibinubuwis para sa bayan.
Paano? Walang problema diyan – dahil sa puntong ito, binigyan halaga ni QCPD Acting District Director, PCol. Melecio M Buslig, Jr. ang katiyakan para sa kalusugan ng kapulisan sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba na tinawag na ‘Alagang QCPD”.
Sa loob ng tatlong linggo, sa direktiba ni Buslig, tagumpay ang isinagawang pagbisita ‘health mission’ ng District Medical at Dental Unit (DMDU) sa mga police station – sa mga opisyal, kanilang pamilya at Persons Under Police Custody (PUPCs).
Kabilang sa mga binisita at nabigyan ng vital health services ay ang Cubao Police Station 7, Project 4 Police Station 8, Anonas Police Station 9, Kamuning Police Station 10, at Payatas Bagong Police Station 13. Sa pagbisita, ang atin kapulisan , non-uniform men at iba pa sa mga nabanggit na istasyon ay nabigyan ng essential health services tulad ng…Llecture on Dental Health and Reimbursement of Hospital Expenses (RHE); Distribution of Dental Kits and IEC (Information, Education, and Communication) materials; Monitoring of Random Blood Sugar (RBS); Health Status Monitoring for Persons Under Police Custody (PUPCs)
Sa kabuuan, umaabot sa 103 QCPD personnel, kabilang ang kanilang dependents at authorized civilians ang nakinabang sa programang pangkalusugan ni Buslig para sa kanyang kapulisan – 47 sa Random Blood Sugar (RBS) monitoring, 69 sa dental health services, at 15 ang napagkalooban naman ng dental kits.
There’s more ‘ika nga – 149 Persons Under Police Custody (PUPCs) ang nakapagkalooban din ng health services upang matiyak din ang kalusugan ng mga nasa kustodiyan ng kapulisan.
“The ‘Alagang QCPD’ program underscores our proactive stance in ensuring the health and welfare of our personnel, their families, and the civilians we serve. By doing so, we foster a culture of care, responsibility, and professionalism within the police force and beyond,” pahayag ni Buslig.
Iyan ang QCPD ngayon sa ilalim ng bagong liderato – ni Buslig. Pinangangalagahan din niya ang kalusugan ng kanyang mga pulis maging ang mga nasa kustodiya ng QCPD. Kung paano niyang pinangangalagahan ang QCitizens ganun din ang pangangalaga at paghahalaga niya pamilyang QCPD.
Iyan ang pagmamahal ng Cagayano!