Advertisers

Advertisers

LUCENA CITY MAYOR ALCALA: “WALA NANG ILIGAL SA LUNGSOD KO”

0 2,306

Advertisers

Ni CRIS IBON

MATAPOS ang masusing konsultasyon sa pagitan ng grupo ng mga religious, sibiko at mga opisyales at miyembro ng pulisya sa ilalim ni LtCol. Dennis De Guzman, idineklara ni Lucena City Mayor Mark Don Victor Alcala ang ganap na pagkalipol ng masasamang elemento sa kanyang hurisdiksyon kabilang ang naghahari-harian na sindikato ng paihi/buriki at mga vice operator.

“Noon pa man ay paulit-ulit kong naipangako sa inyo ang isang pamayanang ligtas at matiwasay, na ang mga mamamayan ay mahimbing at payapa sa kanilang pagtulog at umaasa na gigising na may ngiti, tiwala na may nagbabantay at nangangalaga sa buong magdamag. Kaya ngayon ay ikinagagalak kong ianunsyo na ang mahal nating siyudad bilang “The City Of Man and The City of God”.



Hango ang mga pahayag na ito ng alkalde sa pananaw ni Dr. Mark D. Allen, biblical and theological professor ng University of Notre Dames, West Virginia, peace advocator at dating English professor sa University of Texas. Ang dalawang institusyon ay kapwa pangunahin at prestihiysong unibersidad sa Estados Unidos.

Sa harap ng mga panauhin kabilang ang ilang miyembro ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), sinabi ng pinakabatang nahalal na alkalde sa kasaysayan ng pulitika sa Lucena City na noon pa man ay inihayag na nito ang kanyang pagtutol sa operasyon ng anumang uri ng ilegal na aktibidad sa kanyang hurisdiksyon, lalo na ang paihi o buriki, patulo oil petroleum product sat pasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG).



Malaking pahirap at salot sa lipunan ang paihi/buriki operation, ayon pa sa re-electionist mayor na miyembro ng kinikilalang Alcala political scion ng lalawigan ng Quezon.

Labis din ang pagtutol ng second termer na Punong lungsod sa vice operation tulad ng Small Town Lottery (STL) bookies at peryahan na kunwari ay karnabal ngunit ang itinatampok na pang- akit sa manonood ay iba’t ibang uri ng ilegal na table at card games na lalong kilala sa tawag na pergalan.



Tiniyak ng dating varsity player ng College of Saint Benilde na natapos na ang “guerilla-type” na paihi/buriki operation ng isang Troy na kung tawagin din ay “Panapanaan”na iniuulat na nag-o-operate sa Brgy. Salinas.

Nilinaw ng 28-year old na alkalde na “Guerilla o Panapanaan” ang sistema ng pagnanakaw ng mga oil product tulad ng CNE at coconut oil na nagmumula sa maraming mga oil mill sa lungsod pagkat giniba na ng mga pulis at wala nang permanenteng kuta sina Troy at mga tauhan nito.

Ngunit nadiskubre ng pulisya na nag-aabang na lamang ang sindikato ng paglabas sa oil mill ng mga truck na minamaneho ng kasabwat na mga driver saka sinusundan at sa hiwalay na lugar ay doon binabawasan ng malaking kantidad ang kargamento.

Tiniyak din ng alkalde na walang makakapasok at makakapag-operate sa kanilang hurisdiksyon na mga karnabal o peryahan na may sugalan maging ang mga operator ng STL bookies o jueteng sa sakop ng kanilang 33 barangays. Lalong wala ding illegal logger o magkakahoy na makapaniningkalag sa kanilang siyudad, ayon pa kay Alcala.