Advertisers

Advertisers

Sey mo Nadine… James nangakong poprotektahan ang syotang si Issa

0 17

Advertisers

Ni Archie Liao

BACK on ASAP stage si James Reid.

Nagpa-impress siya dahil this time umawit siya ng Tagalog song.



True to his promise, pinangangatawanan na talaga niya ang magpaka-aktibo muli.

Nagbahagi naman ang Fil-Aussie singer-actor ng hindi niya makalilimutang karanasan nang sumalang siya sa entablado para mag-perform noong bago pa lamang siya sa industrya.

Sumablay daw kasi siya noon dahil nakalimutan niya ang kanyang dance steps.

Anyway, marami naman ang kinilig sa kanyang performance na mas pang-summer ang vibes.

May pa-sunflower effect pa siya habang hawak ang nasabing bulaklak.



In-acknowledge rin niya ang kanyang dyowang si Issa Pressman na nanonood noon sa audience at itinuturing niyang inspiraayon.

Walang filter din ang pagpapahayag nito ng pagmamahal kay Issa.

Sey pa ni James, gagawin daw niya ang lahat para protektahan ang girlfriend.

Hirit naman ng ilang nagmamaldita, ano raw kaya ang reaksyon ng ex nitong si Nadine Lustre na never namang pinangakuan ng nagbabalik-Kapamilya ng ganoong pledge.