Bukod Sa Dalawang Malalaking Teleserye Sa ABS-CBN… Osang May Movie Sa GMA Pictures At May 2 Pa; Lovi At Jameson Matindi Ang Chemistry Sa “GUILTY PLEASURE”
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
PAGPASOK pa lang ng 2024 ay may Pamilya Sagrado na agad si Rosanna Roces at talagang handpicked siya ni late Sir Deo Endrinal na mula pa noon ay bilib na sa kakayahan ng actress sa pagganap ng iba’t ibang klaseng role.
Aside sa Pamilya Sagrado na malapit nang magtapos, bumibida naman ang character ni Osang, bilang si Boss Divina na kagrupo ni Tanggol (Coco Martin) at malaking parte siya ngayon sa buhay ni Tanggol at mga kasangga nito. Natupad talaga yung pinangarap at dasal ni Osang sa Diyos na bigyan siya ng trabaho na dinoble pa ng Itaas. Samantala, bago pa ang Pamilya Sagrado ay nakagawa ng movie si Osang na “IKALAWANG INA” kay Direk Neal “Buboy” Tan na one of the most favorite actresses siya ng said director na matagal na niyang kaibigan. And may isa pa siyang bagong project kay Direk Neal, ang “ABNER” at bida sa film na ito ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda na portraying a teacher role.
Anak ni Osang si Enzo rito at very supportive siyang mother. Ka-join sa cast ang controversial actor na si Mygz Molino. Magkakaroon ng Special Press Preview ang ABNER sa SM Masinag ngayong October 30, 2024. Dadalo si Osang at buong cast ng movie and Direk Neal. Mapapanood na ito sa cinemas ngayong Nov 6. And there’s more. Yes, may isa pang big project si Osang na “PENTHOUSE 77” with Barbie Forteza, Famas Best Child Actor Euween Mikaell, Gina Pareño and many more.
At balik GMA si Osang sa horror movie na ito na produced ng GMA Pictures and Clever Minds Inc. Si Derick Cabrido ang director ng P77 At para sa kaibigan naming actress (Osang) ay ganado siya sa shooting nito at masaya sila ng co-stars niya at pinuri nito ang husay ni Barbie sa movie also Euwenn. Well good luck!
***
IBA rin talaga ang dating sa big screen ng tambalan nina Lovi Poe at Jameson Blake. Ang tindi ng chemistry ng dalawa sa “Guilty Pleasure” na showing pa rin sa mga sinehan. Bagay silang magkapareha at may kilig sila lalo na sa intimate and sweet scenes at chilax yung tandem nila sa movie.
At grabe ang gwapo ni Jameson sa film also Lovi na lutang ang ganda sa lahat ng mga eksena sa film na ito ni Direk Connie Macatuno. At kung husay ng performance ang pag-uusapan ay pareho perfect sa kanilang mga portrayal ang dalawa also JM De Guzman na bukod sa nag-daring na may butt exposure ay hindi pa rin kinalakalawang sa pag-arte.
May mga ibubuga rin ang co-stars ng movie na sina Angelica Lao at Dustin Yu. Of course, Sarah Edwards na sanay nang umarte. By the way, kaliwa’t kanan ang block screening ng Guilty Pleasure at syempre soon maaring mapanood ito sa NETFLIX dahil beautiful and super quality ang film from Regal Entertainment and C’est Lovi Productions of Lovi.