Advertisers
PORMAL na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni polìtical kingpin sa Norte (Gov.)Luis Chavit Singson ang Governor at Chairman ng CLR 45( The Fraternal Order of Eagles) at Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.( GIBFI) humanitarian champion Rafael Agcaoili.
Sa kanilang muling pagdadaupang -palad sa Quezon City residence ng political icon ng Ilocos Sur nang matagal na panahon,tiniyak ni Agcaoili ang full back—up ng kanýang malawak na organisasyong nationwide ang saklaw sa layunin ni Sìngson na maging Senador ng Republika ng Pilipinas upang lumawig pa ang kanyang mapagsisilbihan sa hinaharap.
“Kung natulungan natin ang kandidatura at panalo ni BBM- SARA noong ’22 presidential election,gayundin ang ating magiging suporta at hihigitan pa para kay còmpadre Chavit na ating ‘kuya sa eagles at supremo sa ating samahang guardians,” wika ni Agcaoilì kay senatoriable Singson.Si Agcaoili ay nagpatayo ng higit sa limampung BBM-Sara headquarters sa mga ideyal na lokasyon sa Luzon , Visayas at Mindanao na pinondohan ng kanyang sariling bulsa na walang hinangad na kapalit.
“Magtatayo din tayo ng CLR45 The Fraternal Order of Eagles / GIBFI : Supremo/ Kuya Chavit for Senator Movement Headquarters nationvwide”, ani Gov./ Chairman Agcaoili – natatanging Filipino na tumanggap ng gawad parangal bilang Humanitarian Excellence at Humanitarian Ambassador Awardee mula United Nations at USE( Universal State of Earth) World Philosophical Forum confirmation Diploma as Professor in Civic Knowledge/ Uni Global Citizenship Progress;UNESCO Association Internationale Est na pinamumunùan ni Inna Cocova Adhirante de “1 Ai de Diplomatic USIDHR, Business Consulting certified by US Institute of Diplomacy and Humanitarian Rights Washinton DC.
Taos – pusong pasasalamat naman ang tugon ng dating Gobernador, congrèssman, mayor ng lalawigan ng Ilocos Sur at chairman emeritus ng Philippine National Shooting Association sa ipinagkakaloob na suporta ng kapwa niya pilantropò para sa tao na si Agcaoili.
Pangako ng seasoned politician , businessman Singson na uunahin ang kapakanan ng bayan kapag siya ay pinalad mapabilang sa Senate magic 12 para sa darating na midterm election sa Hunyo ng susunod na taon.