Advertisers
Nahaharap sa dismissal o pagkasibak sa serbisyo ang nasa 11 pulis dahil sa moonlighting bilang security escorts ng mga executive ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ito ay matapos na irekomenda ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police ang dismissal ng naturang mga pulis kabilang ang isang may ranggong lieutenant colonel.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Brigido Dulay, nag-ugat ang kaso mula sa suntukan ng 2 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa loob ng isang posh subdivision sa Ayala, Alabang noong Mayo ng kasalukuyang taon.
Nagbunsod ang insidente sa malalimang imbestigasyon matapos lumabas na ang napaulat lamang na alarm and scandal ng security guards ay kinasasangkutan pala ng police commandos.
Sa imbestigasyon din nadiskubre na nagsisilbi palang security escorts ng isang Chinese national na konektado sa POGO ang 2 nagkaalitang SAF commandos.
Napag-alaman kalaunan na nagre-render ang 2 ng kanilang serbisyo nang walang kaukulang approval mula sa Police Security and Protection Group na malinaw aniyang paglabag sa mga polisiya ng PNP.
Kaugnay nito, inaresto ang 2 SAF personnel sa Muntinlupa at sinibak dahil sa moonlightling, grave ireregularities sa paggampan ng kanilang tungkulin at sa pagbibigay ng protective services sa pribadong mga indibidwal nang walang kaukulang awtorisasyon.
Ang 2 pulis ay nakatalaga sa 52nd Special Action Company Zamboanga at sa 55th Special Action Company Zamboanga.
Samantala, sa pagdinig ng kaso ng 2, doon nabulgar sa mga nakalap na mga ebidensiya na may sabwatan sa ilang SAF officials sa Zamboanga City para pagtakpan ang mga ilegal na aktibidad ng kapulisan sa Ayala, Alabang.
Parang sacrificial lambs lamang ang 11 PNP personnels na ito para mapagtakpan ang palasak na tradisyon ng pagkakaloob ng “security escorts’ sa mga VIPs kasama na dyan ang mga pulitiko,cabinet and other government officials,echetera.
Hindi lamang sa PNP nakakapangyari ang mga ganitong bulok na sistema kundi maging sa hanay ng militar.
Ang masakit,kahit yaong mga pamoso at big-time gambling and vice lords gaya nina Bong Pineda,Atong Ang, Chavit Singson and the likes ay may mga pulis at militar na bahagi ng kanilang personal security escorts’.
Bakit single out ang mga Chinese POGO bosses na ito gayong napakaraming pulis at militar ang naka- deploy as security escorts’ at bodyguards sa mga VIPs na dayuhan.
One big example ay ang mga military at police bodyguards ng best friend forever (bff) ni First Lady Liza Araneta Marcos na ang notorious Indian playboy/ womanizer na si James Kumar.
Mafia itong si Kumar na hawak ang sindikato sa Indian human smuggling.
Wala namang le gal na Indiano dito sa Pilipinas.
Lahat ng papeles nyan sa Bureau of Immigration ay peke!
Kung ako sa 11 na pulis na ito na nakatakdang sibakin sa serbisyo papalag ako.
In the first place, ilan bang heneral nila ang harap- harapang nagde- deploy sa mga VIPs at iligalista ng police escorts.
Ang mga hepe ng mga pulis na ito ang kumukiha ng suweldo ( pay checks) ng kanilang mga tauhan na naka- talaga as bodyguards sa mga VIPs,politicians and other government officials, including organized criminal big bosses!
If we are not mistaken, dalawang police escorts lang ang puwedeng i- deploy ng PNP Police Security and Protection Group (PNP- PSPG) sa bawat indibidwal.
Nangyayari ba ito lalo na ngayong nalalapit na halalan?
Lahat nadaraan sa pera- pera.
Kung ayaw maraming dahilan,kung may lagay I’m kahit iligal maraming paraan!
Di ba Madam First Lady Liza Araneta Marcos ma’am?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com