Advertisers
GULO at samut-saring uri ng krimen ang nagiging resultai ng mga puesto pijo na mga pasugalan sa mga bayan ng Lian, San Pascual, Nasugbu, Padre Garcia at Malvar na hindi naaaksyunan ng lokal na pulisya at maging ng Batangas Provincial Police sa ilalim ni Col. Jacinto Malinao Jr.
Hindi lang iilan mga kaso ng karahasan, iba pang uri ng krimen at drug trafficking ang nangyayari sa mga nagkalat na gambling den sa mga nabanggit na bayan ngunit walang makikitang tala sa opisyal na blotter ng pulisya.
Balitang may malaking tongpats ang mga operator ng pasugalang ito sa ilang tiwaling opisyales at miyembro ng kapulisan sa Batangas at pinagkukunan pa ang mga ilegal na pasugalang ito ng pondo para sa kampanya ng ilang mga elected government official para sa kanilang mga re-election bid?
Hindi magandang repleksyon ito sa liderato ni PNP Region 4A Director BGen. Paul Kenneth Lucas lalo pa at may isang bagong kapo-promote na heneral na kilala sa taguring “Col. Buriki” ang sumisilip na palitan sa pwesto ang butihing regional commander.
Para sa kaalaman ni General Lucas ay napakatagal nang nag-ooperate ang bilyarang may pasugal pang sakla, color games at madjong at iba pang uri ng sugal sa tabi lamang ng Lian Public Market, ngunit wari’y walang kamuwang-muwang sa nagaganap na mga kabalbalan doon sina Lian Municipal Mayor Joseph Piji at Police Chief Maj. Ferdinand B. Vergara. May tongpats kaya sa kanilang dalawa at kay Col. Malinao Jr. ang mga pasugalang ito?
Kalat na kalat ang balitang kaalyado ni Mayor Piji sa pulitika ang mga pasimuno sa operasyon ng bilyaran/sugalan kung saan nagkakaroon ng milyones na pustahan umpisa sa dakong tanghali lalo na kapag may mga dayong magbibilyar at sugarol mula sa mga karatig nitong bayan, Metro Manila at Region 3.
Nagkakatalo ng milyones na pustahan sa bilyar, mahjong at tayaan sa sakla at color game doon. Kampante naman ang mga sugarol na sila ay protekado laban sa police raid pagkat natatanuran pa ng mga unipormadong pulis ang naturang pasugalan sa oras na malakasan na ang “konsyerto.”
Sinasamantala naman ng mga drug pusher ang pagbebenta ng kanilang kalakal na shabu sa mga nagtatambay ding drug addict na sadyang nag-aabang doon ng supply na droga sa mga drug pusher na nagmumula pa sa Cavite at Metro Manila.
Sa bayan naman ni Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon ay mistulang nagsulputang kabute ang operasyon ng sakla ni alyas Willy Bokbok na maintainer din ng ilegal na Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng sa may 42 barangay ng naturang munisipalidad
Si Bokbok din ang gumagasgas sa pangalan ni 1st District Representative Eric Joseph Buhain pagkat ipinamamalita nitong kasosyo at financier ang naturang Kongresista sa kanyang mga pasugalan.
Parang ligal na ang operasyon ng sakla ni Bokbok sa mga barangay ng Wawa na pinopostehan ni Reden; Cogonan – Poste ay si Dayo; Tumalim ni Marites; Bucana nina Kon. Lucky, Eboy, Atan, Gary at Marcelo at Bilaran na personal na pinamamahalaan ni Bokbok. Nakapagdududang walang aksyon laban kay Bokbok si Nasugbu Police Chief LtCol. Ruel Lito T. Fronda?
Sa bayan ng San Pascual ay walang limitasyon ang tayaan sa color games, drop balls, beto-beto at iba pang bawal na pasugal ni Ka Mundo na may isang taon nang nailatag sa gilid ng highway, katapat ng Walter Mart sa Brgy. San Antonio ng naturang bayan.
Ginagawang tambayan ang naturang pasugalan ng mga drug pusher at mga babaeng nagbebenta ng “makunat na nilang laman” kasama ang kanilang ibinubugaw na mga teenager. Nakapagtatakang hindi binubulabog ang mga kailegalang ito nina San Pascual Police Chief Major Ricky M. Fornolles. “Pasok” kaya sina Col. Malinao Jr., Mayor Antonio Dimayuga at hepe kay Ka Mundo?
Bagyo ang turing kay Ka Mundo sa lakas ng impluwensya sa kumpare nito sa ilang top local official na maugong na sinusuportahan nito ng campaign fund sa re-election bid nito sa paparating na May 2025 Election. Nakapagtataka ang pananahimik ni San Pascual Mayor Dimayuga sa mga kabalbalang pinaggagawa ni Ka Mundo na kilala ding isang high value target ng kampanya kontra droga ni dating Pangulong Digong Duterte.
Kung bakit tila di “mahulugang karayom” na ang mga pernanente o puesto pijo pasugalan na may putahan pa sa Batangas ay lumilitaw ang pagiging inutil ng maraming kapulisan nina RD Lucas at PD Malinao Jr.? Natural na sila ang tampulan ng sisi sa kakulangan ng kanilang mga police chief?
Sa totoo lang maging sa bayan ng Malvar ay palasak din ang vice operation tulad din sa Padre Garcia kung saan ay matagal ding nanungkulang alkalde si Gubernatorial candidate Michael Angelo Rivera. Lalong talamak ang operasyon ng mga saklaan doon nina alyas Tisoy, Nonit at Jeff, STL bookies at paihi/buriki gayong si Mayor Celsa Braga-Rivera, maybahay ni Michael ang Punong ehektibo sa naturang munisipalidad.Dapat masusing ipasilip ito ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil. May karugtong.
***
Para sa komento: Cp. No. 0966406614