Mayoralty Candidate Super Mahra Tamondong, Nakikinig Sa Hinaing Ng Mga Senior At Mamamayan Ng Maynila, Laman Din Ng Radyo, TV, At Vlogs
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
IF others politicians, lumalabas lang every campaign and election para magpalapad ng papel sa mga botante, the well-known mayoralty candidate for Maynila Super Mahra Tamondong na resident of San Andres Bukid, is always there for less fortunate Manileños.
Especially to the elders na konting panahon na lang ang natitirang buhay sa mundo. Gustong ipalasap sa kanila ni Super Mahra na they are special and she wants a long life for them. Yes, lahat ng yan ay nasa puso ni Super Mahra na kanyang gagawin. So kung botante ka ng Maynila ay magdadalawang isip ka pa ba na si Super Mahra ang iboto mong Mayor sa darating na 2025 midterm election. Siyempre hindi lalo’t ang concern nito ay para sa pangkalahatan o para sa lahat ng kabataan, kay kuya, ate, nanay, tatay, lolo, at lola. Yes, ang goal ni Super Mahra ay para matulungan ang mga estudyanteng mag-aral nang mabuti at maghahandog siya ng libreng wifi at financial allowance/ assistance para sa mga ito. Hindi pa ito nagagawa ng mga dating mayor o kasalukuyang alkalde ng Maynila. At kung majority ng mga politician ay tumutulong lang tuwing election at kinakalimutan ang mga pangako sa mga bumoto sa kanila. Ibahin niyo si Super Mahra dahil mula pa noong pandemya ay bukas ang palad niya para sa mga kapuspalad. Marami na siyang ginawang Outreach Programs sa iba’t ibang distrito ng Maynila, nagpapa-ospital ng may sakit, nagpapalibing ng patay. Binayaran ang isang taong renta sa apartment ng isang lola kasama ng pamilya nito. Na ang nasambit bilang kanyang pasasalamat ay si Super Mahra ang muling nagbigay ng pag-asa sa kanyang buhay. May pinagkalooban din siya ng munting negosyo at namigay ng maraming branded na wheelchair si Super Mahra. Yes, ayaw niyang bigyan ng murang wheelchair ang mga PWD na sa madaling panahon lang magagamit. Gusto niya ay dekalidad na matagal magagamit nang kanyang mga nabigyan. Totoo, gusto ni Super Mahra na mabago ang paulit-ulit na bulok na sistema sa Maynila. At nais niyang ang mga Manilenyo naman ang maging bida at makinabang sa pera ng Maynila. Never siyang magiging corrupt o payamanin ang sarili. Ang gusto niyang umasenso sa buhay ay ang kapwa niya Manilenyo. Yan ang larawan ng totoong pulitiko, na ang iniisip ay ang kapakanan ng taong bayan. Recently lang ay nagpa- Jollibee pala si Super Mahra sa mga kabataang naglalaro ng basketball sa Brgy 310 Sta. Cruz, Manila. Kinantahan pa niya ang mga ito at pinagkaguluhan siya rito. Madalas din ang guesting ni Super Mahra sa TV at radyo. Umani ng maraming views ang guesting nito sa EuroTV sa programang “WHATA WHATA TODAY” ni Tito Boying. Maraming vloggers din ang nagpi-feature tungkol sa kanyang candidacy. Kabilang na riyan ang “KAMBAL TSISMIS” hosted by Tita Tulfs (PETER LEDESMA) and Pete Ampoloquio, Jr. Mapapanood ito sa PPA ENTERTAINMENT NETWORK sa Youtube every Tuesday, 8:30 to 10:30 PM.