Advertisers

Advertisers

Vilma Santos dream story ang ‘Uninvited’

0 36

Advertisers

Ni Rommel Placente

SINA Vilma Santos, Nadine Lustre at Aga Muhlach ang mga bida sa pelikulang Uninvited mula sa Mentorque Productions,at sa direksyon ni Dan Villegas. Ito ay isa sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2024, na magsisimula sa December 25.

Sa naganap na mediacon para sa Uninvited, na ang nagsilbing hosts ay sina Robi Domingo at Kaladkaren, pinadugtungan nila sa cast at maging kay Direk Dan ang word na nakaka, na may kinalaman sa kanilang pelikula.



Sabi ni Direk Dan, “Nakaka-proud kasi super galing ng cast and crew for this movie. Proud ako sa lalabas naming peiikula.”

“Nakaka-excite. Kas sobrang exciting everytime na MMFF, ‘yung parade and then ‘yung mga mall tours, also the awards night. So nakaka-excite lang kasi, ang daming ganap,”sabi naman ni Nadine.

Kaya nabanggit din ni Nadine ang awards night na excited siya, dahil nagkaroon siya ng entry sa MMFF 2023 na Deleter. At nang ma-nominate siya for Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF ay win siya.

“Nakaka-excite and excited na akong mapanood ang buong pelikula. And nakaka-grateful,”ayon naman kay Aga.

“Nakaka-sobrang tensiyonado. But we are all grateful that we did this movie,” sabi naman ng Star For All Seasons.



Speaking of Vilma, ayon sa kanya, dream story niya ang Uninvited, kaya tinanggap niya ito.

Kwento ni ate Vi,”‘Yung Uninvited, ito po ‘yung dream story ko talaga. Kung titingnan ninyo po ‘yung mga interviews ko noong araw, may mga interviews ako na tinanong na,”Vi, kung magdi-direk ka, ano yung gusto mong gawin?”

“Matagal ko na pong sinasabi na gusto kong gumawa ng isang pelikula, na nangyari lamang sa loob ng 24 hours, na mag-umpisa siya ng maganda, matatapos siya na hindi.”

***

FRANCINE DIAZ NAGPAPASALAMAT SA BASHERS

SA latest vlog na ibinahagi nI Francine Diaz sa YouTube noong November 17, naglabas siya ng saloobin laban sa mga taong hindi siya gusto.

Sa naturang vlog ay natanong siya kung anong sentence ang masasabi niya sa mga taong ayaw sa kanya.

“Thank you talaga,” sabi ng dalaga.

Pagpapatuloy pa ni Francine, “Ako sa sarili ko, ha, sino ba ako para pag-aksayahan n’yo ng panahon? Para magtu-tweet-tweet kayo, gumawa kayo ng videos mag-comment kayo na, ‘ang panget ng mukha ni Francine! Ang panget ng ugali niya! Ang laki ng bunganga! Ang laki ng mukha niya!’”

Takang-taka pa nga ang dalaga dahil napapansin pa ng mga bashers ang mga simpleng detalye tungkol sa kanya.

“Napansin ninyo ‘yon? Sobrang observant ninyo naman sa akin. But seriously, thank you,” sey pa ni Francine.

Nagpapasalamat ang aktres dahil sa tuwing may naririnig o nababasang hindi magandang mga komento mula sa bashers ay mas nari-realize niya na talagang marami na sa madlang pipol ang nakakakilala sa kanya.

“Kasi kung hindi naman ako nakikilala, ’di ninyo naman ako papansinin, e ” sabi ni Francine.