Advertisers

Advertisers

MARCOS ADMIN NANGAKO NG PATULOY NA SUPORTA SA MEDIA INDUSTRY

0 12

Advertisers

NANGAKO ang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng patuloy na suporta sa media sa pagtataguyod ng katotohanan at pagtugon sa mga hamon ng makabagong pamamahayag.

Kasabay ng paggunita sa paggunita ng ika-15 anibersaryo ng Maguindanao massacre nitong Sabado, Nobyembre 23, nangako rin ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na paiigtingin pa ang mga hakbang upang pigilan at tugunan ang pagpatay at karahasan laban sa media.

Nais din ng PTFoMS na paigtingin ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga organisasyon, lalo na sa lokal na antas, kasama ang pagtataguyod ng isang kultura ng kaligtasan at respeto sa kalayaan ng pamamahayag.



Maliban dito, nais ding tiyakin ng task force na makakamit ang hustisya para sa lahat ng biktima ng pag-atake sa mga media workers. (Gilbert Perdez)