Advertisers

Advertisers

Tulak, kulong sa P204K shabu sa Valenzuela

0 29

Advertisers

KULONG  ang isang tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng mahigit P200k halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD)Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naaresto na si alyas “Nelson”, 51, (SLI/pusher) at residente ng Caloocan City.



Sa ukat, inaresto ang suspek 5:15 ng madaling araw sa tabi Liembest Lechon Manok, sa Gen. T De Leon Rd. Brgy. Gen. T De Leon,.

Nakuha ang suspek ng anim pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 grams ng shabu at nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money at 200 recovered money.



Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">