Advertisers

Advertisers

May-ari ng ‘ukay-ukay’ store patay sa pamamaril

0 19

Advertisers

Nasawi sa pamamaril ang isang kilalang mapag-kaibigan na Maranao na dealer ng ukay-ukay na mga damit sa Koronadal City nitong gabi ng Sabado.

kinilala ang biktima na si Mohammad Usman Najib,

taga Baloi, Lanao del Norte.



Sa ulat ng South Cotabato Provincial Office at ng Police Regional Office-12 nitong Lunes, dalawang sakay ng motorsiklo ang pumatay kay Najib sa labas ng kanyang tindahan ng ukay-ukay, o used clothings, sa Upper Osmeña Street sa Koronadal City.

Ayon sa mga opisyal ng barangay na sakop ang kinaroroonan ng tindahan ni Najib, walang siyang masamang record sa kanilang tanggapan at sa Koronadal City Police Office at kilala siya sa naturang lugar na magalang at mapagkaibigan sa mga taga roon at mga kapwa mga negosyante.



Ayon sa mga imbestigador ng Koronadal City police force, posibleng “rido,” o away ng mga angkan sa Lanao del Norte na maaring sangkot ang ilan sa kanyang mga kamag-anak, ang dahilan ng dahilan ng pagpaslang sa kanya ng mga salarin na mabilis namang nakatakas sakay ng motorsiklo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">