Advertisers

Advertisers

VP SARA IPATATAWAG NG DOJ SA BANTANG PAGPATAY KAY BBM

0 17

Advertisers

Inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na tignan ang banta ni VP Sara Duterte laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sinabi ni NBI Director Jaime B.Santiago na nagbigay ng tagubilin si Justice Secretary Jesus Crispin C.Remulla sa ahensya na imbestigahan ang banta.



Ayon kay Santiago, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Sa ngayon, sinabi ni Santiago na natuklasan ng Cybercrime Division ng NBI na ang videoclip ng pangalawang Pangulo ay totoo o authentic.



Aniya, hindi ito isang deepflake o AI-Generated  at ang natuklasan ay iniulat na ng NBI sa Justice Secretary.

Sa kumakalat na video, nagbanta si Sara sa isang zoom press conference na mayroon na siyang nakausap na papatay kay Bongbong Marcos, Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung may mangyari sa kanyang seguridad o kapag may nangyari sa kanyang buhay.



Ikinagalit ni VP Sara ang umano’y political persecution na nararanasan ngayon ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng administrasyong Marcos sa kabila ng pagiging kaalyado nito.

***

IPAPATAWAG ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Sara Duterte-Carpio kasunod ng kanyang pahayag laban kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang may kapangyarihan na i-subpoena si VP Sara.

Tinawag ng DOJ si VP Sara na “mastermind” sa likod ng assassination plot laban sa first couple at House Speaker.

“The premeditated plot to assassinate the President as declared by the self-confessed mastermind will now face legal consequences”, sinabi ni Usec. Andres sa press briefing sa Palasyo.

Ito ay matapos ipahayag ng Pangulong Marcos Jr na ang nasabing pagbabanta ay hindi dapat palagpasin.(Jocelyn Tabangcura)