Advertisers

Advertisers

Alaala Ko Kina Oscar P.Garcia at Rod Navarro Sr.

0 43

Advertisers

Ni Oggie Medina

TATLONG taon na ang nakalipas nang mamayapa si Oscar P. Garcia (produkto ng Arellano High School at UST), ang aking tiyuhin na dating kolumnista ng Manila Bulletin at isang kilalang miyembro ng PAREB (Philippine Association of Real Estate Boards). Pinsan niya si dating Bulacan Governor Atty. Obet Pagdanganan.

Kaya tinawagan ko ang isa pang tiyuhin, si Tito Oca, sa telepono sa tulong na rin ni actor Rod Navarro Sr. na napakabait sa akin at di umalis sa tabi ko. Bagama’t iyon ang una’t huling pagkikita namin ni Rod Sr. ay nanatiling nakaukit iyon sa aking isipan (ngayon, kaibigan ko ang anak niya, si Rod Navarro Jr., na bahagi na rin ng Batang Quiapo, kasama si Coco Martin, ang aktor at direktor ng nasabing teleserye). Hangad ng dalawang ito na balang araw sana’y makatanggap talaga ako ng award.



Nang dumating ang aking Tito Oca ay dala-dala niya ang bagong sasakyan, ang Mercedes Benz, at di niya inalintana na nagmistulang kargahan ng mga gamit ang kanyang sasakyan. Ikinagulat ko iyon habang nakatingin sa amin ang mga tao sa Broadcast City na nakangiti. Mabait daw ang aking tiyuhin. Nagpaalam na sa isa’t isa sina Oscar P. Garcia at Rod Navarro Sr. na pareho na ngayong namayapa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">