Advertisers
Ni Archie Liao
MARAMING netizens ang nagalak sa ipinost ni Sandro Muhlach sa kanyang Instagram stories kamakailan.
Sa kanyang post, kasama kasi niya ang singer-actor na si Gerald Santos.
In-acknowledge rin niya si Gerald na tulad niya ay biktima rin umano ng sexual abuse.
Dagdag pa niya, sumasampalataya raw siyang sa kanilang pinagdaanan ay may makakamit silang hustisya.
Caption niya: “Nice to see you in person, Kuya @thegeraldsantos! Our story doesn’t end with suffering. Hope, healing, and a brighter tomorrow awaits.”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang post at pic nang maibahagi ito sa isang portal kung saan nag-react ang mga tsismosang kapitbahay.
Hirit ng iba, bagong bestie raw ni Sandro si Gerald lalo pa’t halos pareho sila ng naging pagsubok sa buhay.
Meron namang ilang kafaneyan na nagsabing sana ay magsama raw sila sa isang proyekto.
May mga nagdarasal pa na ultimately ay magkaroon sila ng healing sa kanilang mga pinagdaanan.
Ito ang ilan sa kanilang naging hirit.
“Wow, bagong besties.”
” Sana magkasama kayo sa isang movie o series.”
“Prayer for your healing.”
“Thank you for inspiring us with your courage and bravery in your battle against sexual offenders.”
“Bagong magkasangga.”
“I know, a brighter tomorrow awaits for both of you.”
“Bilib ako sa katapangan nilang i-expose ang mga walanghiyang nagsasamantala. Sana maging inspirasyon sila ng mga taong nahaharap sa parehong situwasyon na huwag matakot at matutong manindigang magsalita.”