Advertisers

Advertisers

Sa pagtulong sa 2K pamilyang nasunugan sa Isla Puting Bato: Walang patid na pasasalamat nina Mayor Honey at VM Yul kay PBBM

0 26

Advertisers

WALANG patid na pasasalamat ang hatid nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa personal na pagtulong nito sa mahigit 2,000 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa mataong lugar ng Isla Puting Bato saTondo, kasabay ito ng pamamahagi nila ni Servo ng Christmas food boxes sa lahat ng tahanan na nasa 700,000.

“Mahal naming Pangulo, sa ngalan po ng buong barangay ng Isla Puting Bato, maraming maraming salamat po sa inyo. Sana po ay ‘wag kayong magsawa sa pagtulong sa aming mga Manilenyo,” pahayag ng alkalde kay Pang.Marcos, Jr.

“Ang Lungsod po ng Maynila ay taos-pusong nagpapasalamat sa mabilis at malasakit na hakbang na ginawa ng inyong pamahalaan sa pagbigay ng tulong sa aking mga kababayan na nawalan ng tahanan at ari-arian. Nawa’y magpatuloy pa ang inyong magandang serbisyo para sa kapakanan ng bawat isa sa ating bansa,” saad pa ng alkalde bilang pasasalamat sa national government assistance na inabot mismo ng Pangulo .



Sina Marcos at Lacuna ay sinamahan ng iba pang national at local officials sa pangunguna ni Department of Social Welfare (DSWD) head Rex Gatchalian, Servo, comebacking first district Congressman Manny Lopez at Manila city councilors, habang namahagi ang mga ito ng iba’t-ibang klase ng ayuda sa mga pamilyang biktima ng sunog, na kinabibilangan ng food packs, cash at iba pa.

Sinabi ni Lacuna sa mga biktima ng sunog; :”Palagi ko po sinasabi, na basta para sa inyo, kahit ipanghingi ko pa kayo, hindi ako mahihiya. At gaya ng sinabi ko nung una kaming magbaba ng tulong, babalik kami.”



Samantala sa pagsisimula ng ’12 Days of Christmas’ ng pamahalaang lungsod, sinabi ni Lacuna na: “Napakaraming pagsubok dinaanan natin ngayong taon, maya’t-maya may bagyo, kaliwa’t-kanan ang sunog, pero hindi maaring hindi maibigay sa inyo ang napakasimpleng Pamaskong Handog para sa bawat pamilyang Manilenyo.”

“Gusto namin, meron kayong pagsasaluhan sa Pasko…sana ay pagdamutan ninyo ang aming munting nakayanan ngayong taon. Sama-Sayang Kapaskuhan sa bawat pamilyang Manilenyo!” saad ng alkalde .



Ang mga food boxes ay naglalaman ng 5 kilos of rice, pasta and sauce, cheese, milk, canned mixed fruits at ilang lata ng several cans of corned beef. (ANDI GARCIA)