Advertisers

Advertisers

Negosyante itinangging konektado sa kompanyang Pharmally pharmaceutical

0 17

Advertisers

Mariing pinabubulanan na hindi sister company ang Pharmally Biological and Pharmaceutical Company ng controversial Pharmally Pharmaceutical Corp. , na kasalikuyang paksa sa isinasagawang imbestigasyon ng  House Quad Committee.

Nilinaw ito ng businesswoman-turned-politician na si Rose Nono Lin, may-ari ng wala na ngayong Pharmally Biological, sa kanyang  pagharap kamakailan sa Quad Committee, na nagsasabing hindi siya opisyal o shareholder ng nasabing kontrobersyal na pharmaceutical company.



Inulit ni Lin na ang Pharmally Biological na wala na ngayon na  hiwalay at iba sa  Pharmally Pharmaceutical.

Naglabas din si Nono-Lin ng katulad na paglilinaw sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee noong 2021 nang imbestigahan ang P8 bilyon kontratang nakuha ng Pharmally Pharmaceutical para sa pagkakaloob ng mga suplay na medikal sa mga pagsisikap sa pagtugon sa Covid-19 ng gobyernong Duterte kahit na ang kumpanya mayroon lang P625,000 paid-up capital.



“I have no involvement in the operations of Pharmally Pharmaceutical Corp.  Pharmally  Biological is a different entity, and  has no shares or stocks with Pharmally Pharmaceutical,” pahayag ni Nono-Lin.

“I am just an ordinary citizen and businesswoman making a living in a legal and fair means. All the accusations against me and my family were purely hearsay,” dagdag ni Nono-Lin.



Ipinakita ng mga dokumento na ang asawa ni Nono-Lin, na si Lin Wei Xiong, isang Hong Kong national, ang financial manager ng Pharmally Pharmaceutical at malapit na kasama ng dating presidential adviser na si Michael Yang, ang siyang nagbigay ng financing sa nasabing kumpanya.

Ipinunto ng mga abogado ni Nono-Lin na ang nasabing mga dokumento hindi nagpapatunay na sister companies ang Pharmally Biological at Pharmally Pharmaceutical, o isang opisyal o shareholder si Lin ng huli o may kontrata sa gobyerno.

Bagama’t sinasabing magkasosyo sa ilang aktibidad ang asawa ni Lin at si Yang, ayon naman sa counsel ni Nono-Lin na walang kahit anong napatunayan.

 “All these are speculations. She is not an officer [of Pharmally Pharmaceutical] nor involved in the operation or implementation of the contract,” pahayag pa ng abogado nito.