Advertisers
SISIKAPIN ng gobyerno ng Indonesia na mapauwi ng Pilipinas si Mary Jane Veloso sa buwan ng Disyembre o Enero sa susunod na taon.
Sinabi ni Indonesian Senior Minister Yusril Ihza Mahendra, kabilang si Veloso sa ilang foreign prisoners na pinayagang mailipat sa piitan ng kani-kanilang mga bansa.
Umaasa rin ang opisyal na maililipat na ang mga ito bago matapos ang taon.
Paliwanag pa ng opisyal na rerespetuhin ng kanilang gobyerno ang desisyon ng Pilipinas kung ito ay pagkakalooban ng amnestiya.
Si Veloso ay inaresto sa Indonesia noong 2010 matapos na makuhanan ng ilegal na droga matapos na mabiktima ng kanyang recruiter.