Advertisers

Advertisers

‘VP SARA ‘DI UBRA PANANGGA ANG 32-M BOTO PARA ‘DI MA-IMPEACH’

0 28

Advertisers

HINDI maaaring gamitin ni Vice President Sara Duterte bilang “pansalag” ang 32 milyong boto na kanyang nakuha noong 2022 elections para pigilan ang impeachment process na inihain laban sa kanya ng iba’t ibang grupo, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.

Ito ay reaksiyon sa sinabi ni VP Sara na hindi siya basta-basta mapapatalsik sa puwesto dahil ibinoto siya ng 32 milyong Pinoy noong May 2022, na itinuturing sa isa sa pinakamataas na bilang ng boto sa isang nahalal na opisyal sa kasaysayan.

Sa ngayon, dalawang impeachment complaints na ang inihain sa House of Representatives laban kay VP Sara bunsod ng kuwestiyunableng paggastos ng P612.5 milyong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) kung saan siya dating nagsilbi bilang kalihim.



Subalit iginiit ni Garcia na hindi awtomatikong mapapatalsik si Duterte sa puwesto sa kabila ng paghahain ng impeachment complaint sa Kamara dahil ito ay isasalang pa sa pagdinig sa Senado.

Bukod sa impeachment complaint, maaari ring maharap sa patung-patong na kasong kriminal si VP Sara dahil sa isyu ng paglustay sa confidential funds ng dalawang tanggapan.