Advertisers

Advertisers

Heart unang Pinay na international fashion influencer

0 270

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BONGGA naman ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Pinatunayan niya na hindi lang siya magaling na aktres kundi isa sa tinitingalang fashion influencer, hindi lang sa bansa kundi sa ibang panig ng mundo.



Sa inilabas na listahan ng pamosong magazine na Forbes France, number 10 siya sa Top 10 Luxury Influencers na kinabibilangan ng tanyag na Italian fashion blogger-turned-entrepreneur Chiara Ferragni na nanguna sa listahan.

Kaliga na rin niya ang mga popular na modelong sina Caroline Daur, Jessica



Mercedes Kirschner, at ang kilalang American drag queen na si Aquaria.

Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nakasama sa naturang listahan.



Nakilala si Heart sa fashion capital of the world nang rumampa siya sa  Paris Fashion Week.

 

Bago pa man ang kanyang parangal sa Forbes France, nag-landing din siya sa Top 10 Influencers ng Fashion Week noong nakaraang taon na nakasama niya sina Cardi B, Christina Aguilera, Anna Kendrick, Sandara Park at iba pa.