Advertisers
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magpakulong matapos ang pahayag ng prosecutors office ng International Criminal Court na may basehan na kinokonsinte ng gobyerno ang mga alagad ng batas na patayin ang mga nasasangkot sa iligal na droga.
Ito ang naging hamon ng pangulo sa isinagawang national address niya nitong Miyerkules ng gabi.
Hindi rin nakalusot sa puna ng pangulo si dating Senator Antonio Trillanes matapos na ipahayag nito na makukulong ang pangulo.
Giit pa ng punong ehekutibo na hindi dapat siya takutin ng dating senador dahil kung nakadestino itong makulong ay handa itong magpakulong.
Matatandaan na nagsimula ang ICC ng kanilang preliminary examination matapos na maghain ng communication si Atty. Jude Sabio laban sa pangulo dahil sa hindi umano makataong kampanya kontra droga.
Dagdag pa ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na kanilang matatapos ang preliminary examination sa unang anim na buwan ng 2021. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)