Advertisers

Advertisers

2 tulak, timbog sa Malabon

0 15

Advertisers

TIMBOG ang dalawang tulak ng illegal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation laban sa suspek na si  alyas “Alvin”, 36, ng Hito St., Brgy. Longos na nasa watchlist bilang tulak ng droga..



Inaresto ang suspek 12:30 ng madaling araw sa Dulong Roque St., Brgy. Tonsuya.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 10.9 grams ng shabu na may katumbas na halagang P74,120.00 at buy bust money.



Sa report, 4:15 ng madaling araw nang madakip naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din si alyas ‘Maru”, 20, ng Tondo Manila nang dumayo pa  sa Banana Road corner Chico St., Brgy. Potrero para magbenta lang ng droga.

Nasamsam sa suspek ang isang plastic sachet ng marijuana na tumitimbang ng 18.9 grams at nagkakahalaga ng P2,268.00 at dalawang vape device na naglalaman ng cannabis oil na may katumbas na halagang P14,420.



Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)