Advertisers
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mambabatas na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin upang matugunan ang pangangailangan ng publiko sa gitna ng kasalukuyang mga hamon.
Kasabay nito, inilarawan ng Pangulo na nasa “disarray” o kaguluhan ang Senado dahil sa mga nangyayaring sigalot sa loob ng institusyon.
“The best description I can have is that the legislature is now in disarray. But that is exactly the opposite from what we are trying to achieve. We are trying to achieve some form of stability so that people can get on with their lives, so that people can plan ahead for their future, so that people can count on the assistance of government during this time of an emergency. We cannot do that if the legislature decides to stay at home and have a vacation. That is anathema to everything that governance is about,” ayon sa Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, naapektuhan ng sitwasyon ang liderato ng Senado at napipigilan ang maayos na pag-usad ng mahahalagang panukalang batas at gawain ng pamahalaan.
Sa isang ambush interview sa Maynila, sinabi ni Marcos na maging ang ilan sa kanyang mga dating kasamahan sa Senado ay nahihirapang unawain kung paano umabot sa ganitong sitwasyon ang Mataas na Kapulungan.
Iginiit ng Pangulo na mahalaga ang katatagan ng mga institusyon upang makapagplano nang maayos ang mga mamamayan para sa kanilang kinabukasan.
pa ni Marcos, taliwas sa layunin ng mabuting pamamahala ang pagtigil sa trabaho ng lehislatura sa panahong kinakailangan ang agarang aksyon ng gobyerno. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)