Advertisers

Advertisers

WASAK SINA PBBM AT BERSAMIN SA LIPA CITY!

0 1,303

Advertisers

MAGKAHALONG galit at pagkadismaya ang reaksyon ng nakararaming residente ng Lipa City dahil sa talamak na kolek-tong activity ng ilang “kapustahan” (police tong collector) na pinaiikot ng ilang tiwaling opisyales ng Batangas PNP upang mangikil ng payola mula sa mga vice at drug maintainer na mistulang kabuteng nagsulputan sa siyudad nina Finance Secretary Ralph Recto, Batangas Gubernatorial Candidate Vilma- Santos- Recto at Mayor Eric Africa.

Ang Lipa City ay kilala na siyudad ng mga Batangueño na relihiyoso, makatao, makabayan, maka-kalikasan at mapagmalasakit sa kapwa, ngunit ang imahe na ito ay biglang nagbago at naglaho dahil sa pagsusulputan ng illegal vices tulad ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies, tradisyunal na peryahan o karnabal na prente ng mga illegal card at table games (pergalan), monte, sakla den, tupada, maging kuta ng paihi/buriki, illegal quarry at iba pang uri ng kailegalan.

Ang mga gambling financier/maintainer lalo ng grupo ng Big 4 na kinabibilangan nina Ana, Macoy, Ycarro, Tabo, Lescano, Gary at iba pa ay hayag ding supplier ng malaking kantidad ng shabu na ipinabebenta sa kanilang mga kabo at kubrador ng bookies o jueteng.



Ang iba pang mga bookies operator ay sina Ka Carling, Saavedra, Yema, Kap Fonte, Kap Randy, Kap Boyet at 25 iba pa ngunit dedma lang at di ipinahuhuhuli ni Lipa City Police Chief LtCol. Rix Villareal.

Humigit kumulang sa tatlong taon na sa kanyang pwesto si Villarreal ngunit dahil sa nababalitang di pangkaraniwang lakas-bagyo nito (Villarreal) sa Malacañang ay di matinag ultimo ng kahit sinumang naging Batangas PNP Provincial Director kabilang na si Col. Jacinto Malinao Jr., Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas at maging si PDGen. Rommel Francisco Marbil?



Maging ang operasyon ng mga permanenteng pasugalan sa mga pergalan (peryahan na pulos sugalan) sa Brgy. Talisay, Brgy. Inosloban at Brgy Sabang pawang sa Lipa City ng magkasososyong Jayson, Rommel at Pajon ay hindi matinag ni Villereal pagkat binabanggit ng mga naturang drug/gambling operator ang pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Cabinet Executive Secretary Lucas Bersamin ay ipinagyayabang din ng mga gambling drug maintainers sa naturang siyudad.

Dalawang Batangas PNP official ang iniuulat na di lamang nagpapakolekta ng kanilang lingguhang intelhencia ngunit pati na ang pangalan ng opisina ni ExSec Bersamin ay kaladkad din sa kolek-tong scheme nina alyas Sgt. Adlawan.



May kolek-tong din para sa pangalan ng dalawang Batangas PNP official at sa pangalan ng tanggapan ni ExSec. Bersamin sina alyas Sgt. Adlawan sa Monte joint ni Lopez sa Brgy. 3, sa may 50 sakla den nina Katigbak, alyas Pat Lopez at Ornok na nag-ooperate sa karamihan sa 72 barangay ng siyudad ng pamilya Recto.

Hindi lamang sina Sec. Recto at Ate Vi ang nasisira ang pangalan sa protection racket sa Lipa City, kundi lubhang nakakasira din sa kandidatura ng anak ni Ate Vi at Edu Manzano na si Lucky Manzano na kandidato sa pagka bise gobernador ng Batangas at Ryan Recto, anak ni Ate Vi at Sec. Recto na tumatakbo namang kongresista sa 6th at Lone District ng Lipa City.

May kolektong din sina alyas Sgt. Adlawan sa illegal quarry sa Brgy. Antipolo Sur at sa kuta ng paihi/buriki sa Brgy. Granja pawang sa AOR ni Villareal. Gasgas man ang pangalan ng nagpapakolektang dalawang Batangas PNP officer at higit na wasak sa mga Batangueno ang pangalan ni PBBM at ni ExSec. Bersamin?

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144