Advertisers
WALA pang nakikitang bagong strain ng virus sa ating bansa kaya wala pang travel restrictions na kailangan sa ngayon, ito ay ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum.
Ayon kay Vergeire, nakipag-ugnayan na sila sa Researcrh Institute for Tropical Medicine (RITM) nang matanggap ang ulat na may bagong strain ng virus na natuklasan sa European countries.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na mahigpit ang kanilang monitoring na kung sakali ay kailangan aniyang mapag-igting at kung mayroon man aniyang bagong strain sa ating bansa ay matukoy ito.
Pero sa ngayon, sinabi ni Vergeire na wala pang bagong strain ayon na rin sa RITM.
Tungkol naman aniya sa restrictions, ang UK ay naghigpit na sila sa kanilang borders pero sa ating bansa, ang pinapapasok pa lamang aniya sa ating bansa ay mga diplomat at mga may official businesses dito sa bansa. (Jocelyn Domenden)