Advertisers

Advertisers

4 ‘DRUG LORDS’ TODAS SA P272M SHABU

0 743

Advertisers

TODAS ang apat na “drug lords: at nasamsam sa mga ito ang nasa P272 milyong hakaga ng shabu ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcememt Group (PNP – DEG) sa buy bust operation sa Taguig City, Linggo ng umaga.
Dalawa sa apat na napatay ay kinilalang sina Christopher Ocarol at Allan Catalan.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Debold Sinas, 5:35 ng madaling araw ng magsagawa ng buy bust operation sa kahabaan ng C6 Road, BarangayNapindan, Taguig City.
Nasamsam sa mga napatay ang 40 kilos ng shabu na nagkakahalaga P272 milyon.
Sa report, kilalang “drug lords” sina Ocarol at Catalan sa Central Visaya at dating nakulong sa New Bilibid Prison sa kasong illegal drug, at nakalaya noong 2015 nang madimiss ang kaso sa Court of Appeals.
Namintina ng mga suspek ang kanilang kontak na Chinese drug lord sa NBP at ipinagpatuloy ang operasyon sa Central Visaya mula sa Metro Manila.
Upang maiwasan ang mga otoridad, nagtago ang mga suspek sa Metro Manila pero tuloy ang ang kanilang operasyon sa Central Visayas.

Modus ng mga suspek na ilagay ang droga sa isang sasakyan at iwanan ito sa isang mall, na kukuhanin naman ito ng buyer.
Umaasa si Sinas na sa pagkakapatay sa apat ay mababawasan na ang supply ng iligal na droga sa Cebu. (Mark Obleada/Gaynor Bonilla)