Advertisers
MAHALAGA ang pagkakaroon ng magandang asal ng bawat nilalang sa lipunan. Ito’y laging idinadasal ng sinumang magulang na ang kanilang anak ay lumaking may mabuting asal.
Subalit hindi ko maintindihan kung paano pinalaki itong mga anak ng dating serial killer na pangulo. Ang anak na babae ay nahaharap sa isang impeachment complaint, isang bagay na pwede niyang ikatalsik sa pagka bise presidente. Ngayon may issue din ang kapatid niyang si Polong Duterte matapos mambugbog at umanong saksakin ang isang nakausap niya sa isang gastro pub sa lungsod ng Dabaw.
Maiintindihan ng inyong abang lingkod ang kapusukan ng damdamin lalo na kapag pinatibay ito ng alak, ngunit nakakabahala kapag ang tinagurian ay ama ng bayan! Pasensya na Polong may katibayan sa pamamagitan ng cctv na nakakabit sa iba’t ibang bahagi ng naturang gastro pub. Kitang-kita sa footage kung paano mo pinagbuhatan ng kamay at sinaktan ang tao, Polong; kitang-kita na walang magawa ang akawawang taohabang binubugbog mo, habang nakabantay ang dalawa nong alalay na nagmistulang mga goons sa pelikula.
Maliwanag sa abang peryodistang ito na may onsehan na namagitan kina Polong at lalaking binugbog. Sa basa ko ang lalaki ba ay nagsilbing bugaw at hindi nagustuhan ni Polong ang naging serbisyo? Nagtatanong lang po. Bagaman, mas maraming tanong kaysa sagot, dahil sa nangyari sinampahan ka tuloy ng reklamo sa DOJ.
Isa ang tinitiyak ko, lalong pumapangit ang imahe ni Polong. Sabagay sa asta mo, mistulang isa kang Max Alvarado; taliwas sa tunay na pagkatao ni Mang Max, na totoo naging siga siya noong kabataan niya, subalit naging matino siya at nakilala sa pagiging mabait.
Malayo ka kay Mang Max, Polong, isa kang “spoiled brat” na nagtatapang-tapang dahil sa taglay mong “warlord mentality,” asal- hayop ka na ugali na tulad ng tatay mo at kapatid.
***
PATULOY ang pagsasagawa ng pandigma na asimetrika ang pulahang tsina sa rehiyon at bansa. Sampu ng kanilang mga kasapakat na mga taksil na Filipino, hindi nila nilulubayan ang misyon na sakupin ang Pilipinas. Nakakabahala ang pagdakip ng isa pang espiyang intsik lulan ang sasakyan na may dalang kagamitang pangmamanman.
Lubos na nakakabahala na ito, dahil mas pinaigting ng ahente ng pulahang tsina ang gawain nila. Maging ang napabalitang pananakop nila sa Sandy Cay, na maliwanag ay nasa teritoryo natin! Sa isinagawang imbestigasyon ng Katihan, Philippine Coast Guard at kawani ng BFAR, napatunayan na pawang kabulaanan ang ito.
Nasa pag-aari pa rin ng Republika ang Pilipinas ang Sandy Cay at tatlo nitong bahura. Natutuwa ang inyong abang lingkod na mahalaga ngayon ang seguridad ng bansa, sa ating kabataan. Nagagalak ako na unti-unting nadagdagan ang ating mga barko at eroplano.
Ayon sa mga eksperto sa tanggulang bansa mas mapanganib ang ating katihan sa pulahang tsina, dahil sanay ang ating mga kawal. Ito ay bagay na ikinatatakot ng pulahang tsina. Kaya manatiling naka-manman, manatiling naka-abat.
Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!
***
mackoyv@gmail.com