Advertisers
NILINAW ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang balak na sumabak sa Presidential race o anumang mas mataas na posisyon.
Ito ay kasunod ng pagkakasama ni Moreno sa listahan ng nga napipisil na Presidentiables base sa Pulse Asia Survey kung saan nasa ikaapat na pwesto ang alkalde.
Ayon kay Moreno, nagpapasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanya subalit sa ngayon ay wala siyang balak na umakyat sa mataas na pwesto dahil naka-focus siya sa lungsod ng Maynila at sa kinakaharap na pandemya.
“I am grateful, but let’s face the reality, that there is still pandemic, and I don’t want to entertain any thoughts on political growth,” ani Moreno.
Bukod kay Moreno, kasama rin sa mga pinagpipilian bilang susunod na Pangulo sina Davao City Mayor Sara Duterte, Sen. Bongbong Marcos at Sen. Grace Poe. (Jonah Mallari)