Advertisers

Advertisers

Ruffa lumayo na sa kaibigan na nagnakaw ng alahas niya

0 7

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MARAMI ang nang-okray sa naging post ni Sofia Andres sa kaniyang Instagram, kung saan naghahanap umano siya ng Personal Assistant, pero may mga qualification siyang binanggit.

Caption ni Sofia: “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule). Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to ‘I forgot.’ Think that’s you? Slide into the inbox-applications open, excuses closed.”

Sa taas ng standard na hinihingi ng aktres napatanong ang ilang netizens kung sarcasm ba o totoo ang kaniyang post.

Kung true daw, tila hindi lang alalay ang level nito kundi dapat Psychology graduate o di kaya manghuhula raw na kayang basahin ang isip niya.

Sey pa ng isang netizen, kung ganun daw ang leveling ay dapat daw hindi bababa sa 50k ang sweldo nito.

Matatandaang last year nabatikos din si Claudine Barretto sa parehong isyu, ang taas ng standard sa paghahanap ng P.A. Na ayon sa kanya dapat daw ay marunong sa accounting at marunong sa paggawa ng schedule, at paglilista ng mga expenses.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

***

DAHIL endorser si Ruffa Gutierrez ng isang jewelry line, kaya tinanong siya kung nanakawan na ba siya ng alahas, ang sagot niya ay oo. Ito raw yung panahon na gumimik sila ng kaibigan na si Donita Rose, at ipinahiram daw niya rito ang mamahaling hikaw. Gusto raw kasi niya na pareho sila nito na bonggang-bongga kapag rumampa.

Pero may isang kaibigan daw sila ni Donita na nagnakaw ng jewelry. Buti na lang daw at nahanap at naibalik ito sa kanya, pero hindi na niya kinaibigan ang taong kumuha ng hikaw niya.

And speaking of alahas, never pa naman daw nagbenta o nagsanla sa buong buhay niya dahil kinapos sa pera dahil sa pangangailangan ng kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin.

Sabi ni Ruffa,“Sa education ng mga bata, I am the sole provider. And I’m proud of that. Unless bumalik ako sa Istanbul, maaalagaan na ako ni Yilmaz (Bektas, ex-husband niya), but I think that would be impossible.”

Kaya nasabi ni Ruffa na impossible na dahil may bago na siyang karelasyon na si Herbert Bautista.

Patuloy niya,”Hindi pa ako umabot sa ganu’n (magbenta), I am blessed na maraming kumukuha sa akin sa mga show, endorsement and investments.

“And then my mom (Annabelle Rama) and Richard (Gutierrez) would give Lorin and Venice kahit papaano. So tulong-tulong din sila minsan. Kapag may extra money si mom, nagbibigay din siya. Pero hindi na umaabot sa ganu’n,” aniya pa.