Advertisers
Kulong ang isang drug suspect na itinuturing bilang high-value individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P300k halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Valenzuela police ang suspek na si alyas “Mac Mac”, 26, ng Brgy. Canumay West.
Ayon kay Col. Arnedo, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.
Dakong 4:30 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, coin purse, P200 cash at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)