Advertisers

Advertisers

PBBM nakapili na ng bagong PNP chief – SILG Remulla

0 41

Advertisers

KINUMPIRMA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroon nang napili si Pangulong Ferdinnd Marcos Jr. na bagong hepe ng Philipine National Police (PNP) kapalit ng magreretirong si PNP Chief Gen. Rommel Marbil sa darating na June 7, 2025.

Ayon kay Remulla, nabanggit na ng Pangulo kung sino ang susunod o itatalaga na bagong PNP chief sa pagreretiro ni Gen. Marbil.

Dagdag pa ng kalihim, nakapag-usap na sila ng Pangulo at hindi na umano kailangan magbigay pa ng rekomendasyon dahil mayroon nang napusuan ang Pangulo kung sino ang magiging lider ng Pambansang Pulisya.



Sa kabila nito ay hindi na muna pinangalanan ng kalihim ang susunod na PNP chief at sinabing hahayaan na lamang niya ang Pangulo na ianunsyo ang pangalan nito sa lalong madaling panahon.

Mas mainam din aniya kung ang susunod na hepe ay magkakaroon ng mahabang termino para sa pagpapatuloy ng mga vision ng organisasyon at pagsususlong ng mga pagbabago at kaayusan sa kanilang hanay.



Mabuti rin na ang susunod na hepe ay mayroong malinis na track record at maalam sa pagpapatakbo ng organisayon at maging sa mga operasyon ng kanilang hanay para sa isang epektibong liderato.

Sa kasalukuyan apat na mga senior officers ang matunog na pangalan na posibleng pumalit sa puwesto ni Gen. Marbil.



Ilan sa mga ito ay sina Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Lieutenant General Robert Rodriguez, Lieutenant General Edgar Alan Okubo, Police Major General Nicolas Torre III, at Police Major General Anthony Aberin. (Mark Obleada)