Advertisers

Advertisers

Barko ng Atin Ito binuntutan ng China

0 47

Advertisers

Binubuntutan ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Atin Ito civilian mission noong Lunes ng gabi habang nagsasagawa ng concert sa West Philippine Sea (WPS).

Natukoy ng Atin Ito ang CCG vessels na may hull number 3306 at 21549.

Naispatan ang ‘shadowing’ habang ang MV Kapitan Felix Oca ay nasa layong 54 nautical miles mula sa El Nido, Palawan.



Niradyuhan pa ng mga dayuhan ang barko ng Atin Ito pero sinagot ito ng radio challenge ng mga Pilipino.

Noong Lunes ng gabi naganap ang una sa dalawang concert ng ikatlong Atin Ito mission tampok sina Ebe Dancel, Noel Cabangon at iba pang local at foreign act.



Naglalayag ang higit 100 kataong sakay ng Felix Oca patungo sa bisinidad ng Pag-asa Island para sa isa pang concert sa WPS. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">