Advertisers
MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng suporta sa hangarin nitong magkaroon muli ng upuan sa United Nations Security Council.
Sa ikalawang ASEAN-GCC Summit na pinamunuan ng Pilipinas, ibinida ni PBBM ang tagumpay ng Pilipinas sa Bangsamoro Autonomous Region (BARMMM) bilang modelo niya ng kapayapaan na maaaring ihain sa mga usapin ng UN Security Council.
Binanggit ng Pangulo na target ng bansa na makakuha ng non-permanent seat sa UN para sa taong 2027-2028 kaya’t humingi ito ng suporta mula sa mga kasapi ng ASEAN.
Maaalalang nagkaroon na rin ng kaparehong puwesto ang Pilipinas sa UN mula 2004-2005. (Gilbert Perdez)