Advertisers
NASAWI ang apat katao, kabilang ang isang Grade 3 pupil, at tatlong iba pa ang sugatan sa pamamaril Lunes ng hapon, May 26, 2025, sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Kinumpirma ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang pagkasawi sa insidente nila Kadir Indao, 10-anyos na batang babaeng si Rohana Indao, at mga kamag-anak nilang sina Basit Gampong at Mokaram Sa-rat.
Sugatan sa insidente ang magkapatid na Rohamin at Hashim Omar, at si Noria Indao, na agad namang isinugod sa hospital.
Sa ulat ni Lt. Colonel Esmael Madin, Sultan Kudarat police chief, nasa kanilang magkalapit na bakuran ang mga biktima nang may dumating na mga lalaking sakay ng isang minivan at agad silang pinagbabaril ng assault rifles. Kaagad ding tumakas ang mga salarin, ayon sa mga saksi.
Nagsasagawa pa ng imbes-tigasyon ang pulisya sa krimen.