Advertisers

Advertisers

71 INDIBIDWAL, KABILANG ANG MENOR DE EDAD ARESTADO SA INVESTMENT SCAM SA ANTIPOLO!

0 34

Advertisers

Arestado ang 71 katao kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang raid ng PNP- Anti- Cybercrime Group sa isang opisina sa Brgy. San Roque sa Antipolo City.

Sa ulat ni PNP-ACG director BGen. Bernard Yang, sinalakay ang opisina gamit ang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data laban sa isang certain “Arthur” sa mga paglabag sa section 26 ng Securities Regulation Code (RA8799) ng section 6 ng Cybercrime Prevention Act of 202 (RA10175).

Si “Arthur” ay inakusahan umano ng pagpapatakbo ng Investment Scam kung saan nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa Security and Exchange Commission bago isinagawa ang raid sa lugar.

Base imbestigasyon, sinubaybayan ng Cyber Response Unit ng Anti- Cybercrime Group ang Illegal na operasyon mula taong 2024, kasunod ng mga reklamo mula sa isang Australian National na kinatawan ng IFW global.

Sinusubaybayan ng Cyber ​​Response Unit ng ACG ang operasyon mula noong 2024, kasunod ng mga reklamo mula sa isang Australian national na kinakatawan ng IFW Global.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Kasabay nito, sunusuri na ng mga digital forensics team ang mga computer bilang ebidensya ng pandaraya umano sa mga securities.

Sinusuri na ngayon ng mga digital forensics team ang mga computer para sa ebidensya ng pandaraya sa mga securities.

Ani BGen. Yang, nakatuon ang awtoridad para protektahan ang publiko sa mga on-line na panloloko at pananamantala ng mga sangkot sa illegal na aktibidad.

Anya pa, magsilbing babala ang pagkakahuli sa 70 mahigit na indibidwal dahil hindi titigil ang ACG para arestuhin at mapanagot ang mga ito. (Edwin Moreno)