Advertisers

Advertisers

Calabarzon’s Aquino nasungkit ang 2 ginto sa Palarong Pambansa

0 11

Advertisers

NASUNGKIT ni Andrey Aquino ng Calabarzon ang kanyang pangalawang gold medal sa Palarong Pambansa athletics competition sa Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium.

Ang 12-year-old mula sa Teresa,Rizal ay dinomina ang elementary boys’ high jump sa 1.68 meters habang ang kanyang teammate, Datu Mark Urbano,nagrehistro ng 1.60m para sa bronze medal.

Caraga’s Jhade Singatao ng Agusan del Sur sinako ang silver medal sa 1.65m.

“Very happy, it’s my first time to join the Palaro and I can’t believe that I already won two golds,” Wika ni Aquino,na graduate ng Bagumbayan Elementary School.

Ang kanyang unang gold medal ay nagmula sa 110 hurdles Lunes, sa tiyempong 16.62 seconds para talunin ang Soccsksargen’s Keian Angelo Penaso ng Kidapawan City (16.67) at Central Luzon’s Prince Jaren Fajardo ng Pampanga (17.45).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Aquino, na nagsimula sa athletics noong 2023, ay meron pang dalawang events,ang 4x400m relay Huwebes at 4x100m relay ngayon Biyernes.

“Hopefully, I can win my last two events. I will do my best,” Wika ng pinakabata sa apat na magkakapatid.

Samantala, ang National Capital Region ay nanateli sa tuktuk ng medal tally board na may 52 gold,26 silvers at 16 bronze.

Pangalawa ang Calabarzon na may 24 golds,35 silvers at 19 bronze sinundan ng Western Visayas (16-19-16), Northern Mindanao (16-13-21), Central Visayas (8-10-13), Davao (8-9-10), Caraga (8-6-13), Central Luzon (7-8-14), CAR (7-8-2) at Bicol (5-4-15).