Advertisers

Advertisers

Eala, partner nakatutok sa French Open QF spot

0 28

Advertisers

NAKATITIG sina FILIPINO tennis star Alex Eala at Mexican partner Renata Zarazua na ipagpatuloy ang kanilang impresibong kampanya sa French Open doubles.

Matapos magtagumpay na makausad sa Round of 16, ay nakatutuk ang mag partner na makakuha ng spot sa quarterfinals at determinado na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para maabot ang kanilang layunin.

Ang magkasangga ay nakamit ang kanilang unang tagumpay sa event Martes,sa pamamagitan ng two-set victory laban sa Britain’s Emily Appleton at Spain’s Yvonne Cavalle-Reimers.

Nakatakda silang makaharap ang pares ng Serbia’s Olga Danilovic, na ranked 34th at Anastasia Potapova ng Russia, na ranked 37th.

Danilovic at Potapova ay sariwa pa sa three-set upset sa American pair Desirae Krawczyk at Caroline Dolehide sa first round ng women’s doubles.

Ang tandem nina Eala at Zarazua, at ang pares nina Danilovic at Potapova ay inaasahan na magharap laban sa isat isa sa Biyernes sa hindi pa matukoy na oras,habang sinusulat ito.

Eala ay nagpahayag ng taus pusong pasasalamat sa libo-libong Filipino na nagrally sa kanya tuwing may laban.

“Filipinos are very talented and very hard workers. There’s a support, a community, because it’s not often you [have] seen Filipino athletes excel on the international stage, so every time someone does good we’re very happy for them.”