Advertisers

Advertisers

TAMA ANG DESISYON NI PBBM

0 5,547

Advertisers

MARAMI ang “nakahinga ng maluwag” matapos ipag-utos ni PBBM na ‘stop’ muna ang planong ‘rehabilitation’ ng kahabaan ng EDSA, ang ‘main artery’ ng trapiko at komersyo sa Metro Manila.

“Napasabay” pa sa pagpayag ng Korte Suprema na ibalik na ang ‘NCAP’ (no contact apprehension policy) na ipapatupad ng MMDA na kasama ang EDSA at ‘color coding scheme’ na tatagal nang buong 24-oras, tama ang obserbasyon ni Sen. JV Ejercito na hindi lang “magulo,” bagkus, “malaking gulo” ang gustong mangyari ng mga “masasabaw ang utak” na sa panahong ito “ayusin” (read: gibain) ang EDSA.

Sabihin pa, ang desisyon ni PBBM ay patunay sa kanyang sinabi na “naririnig” niya ang sinasabi ng taumbayan na interes at kapakanan muna nila ang asikasuhin ng gobyerno. Ang “problema” lang, “tulog” yata sa “pansitan” ang mga bosing d’yan sa DPWH kaya hindi narinig ang mga ‘policy directives’ ng Pangulo?

Isa pang dapat aksyunan ni PBBM ay ang desisyon na isara ang kahabaan ng San Juanico Bridge epektibo ngayong linggo na ayon pa kay Tacloban City mayor, Alfred Romualdez, pinsan ni PBBM, ay desisyon na gumulantang din sa kanila.

Take note: Ang tulay ng San Juanico naman ang ‘lifeblood’ ng transportasyon Mula sa Luzon patungong Samar at Leyte hanggang Mindanao kaya “terible” ang perwisyong idudulot nito sa ating mga kababayan sa mga nasabing lugar at sa ating ekonomiya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Hmm. Ang ganito kayang mga “bara-barang” desisyon ng ilang mga “matatalino” sa DPWH na hindi pinag-aralan at walang alternatibo para sa ordinaryong takbo ng buhay ng ating mga kababayan ang isa sa mga dahilan kaya ‘on the way out’ na umano si DPWH Secretary Manuel Bonoan? Sabi pa nga ng mga miron, mayroon nang ‘shortlist’ ang Palasyo kung sino ang kapalit niya, ganern?!

Kung ‘prerogative’ ni PBBM na italaga si CIDG director PMGen. Nick Torre, aba’y ‘prerogative’ din niya na palitan ang mga kontrobersiyal at ‘NPA’ (non-performing asset) sa kanyang Gabinete.

Oops! Hindi natin sinasabing ‘NPA’ si Sec. Bonoan, hane? Tingnan na lang din natin kung sisibakin nga siya bago tayo magkomento ulit, hehehe.

Abangan!