Advertisers

Advertisers

13th NCAA volleyball crown puntirya ng Junior Altas

0 18

Advertisers

TATAPUSIN ng University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang finals series laban sa Letran at angkinin ang NCAA Season 100 boys volleyball championship Martes sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Game Two ay magsisimula alas 8 ng umaga.

Nagwagi ang pangkat ni Coach Sandy Rieta na nagmula sa Las Piñas sa opener nakaraang Biyernes 25-21, 29-27, 28-26 at may tsansang maiuwi ang ika-13 titulo sa boy’s volleyball kapag pinalad sa Martes.

Pinamunuan ni John Lat ang opensiba ng Junior Altas sa Game 1 na umiskor ng 10 attack points at 5 blocks para sa career high 15 points habang si Zyro Ornos at Nathan Ciriaco nag-ambag ng 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Game two ay maging special rin para sa graduating players Ciriaco, Ornos, Resty Santos, Charles Concina, Kirby Alecida, Miguel Dela Cruz at Michael Medina dahil kapag sila ay manalo, ito ang kanilang maging final game sa NCAA juniors level.

Samantala, ang Squires, ay pinamunuan ni King Nimo sa Game One na may 18 points habang si Vergel Balajadia at Jasper Algao bumakas ng 15 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.