Advertisers

Advertisers

DAGDAG NON-TEACHING PERSONNEL SA QUALITY EDUCATION!

0 2,973

Advertisers

Sa kakulangan ng mga NON-TEACHING PERSONNEL sa sektor ng DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) ay naapektuhan ang kalidad ng edukasyon dahil ang mga guro ay natatambakan ng ibang mga gawain sa halip na pagtuturo lamang ang konsentrasyon ng mga ito sa loob ng kani-kanilang mga pag-aralan.

Ang mga eskuwelahan ay hindi lamang mga TEACHER at STUDENTS ang bumubuo kundi kinakailangan din dapat na mayroong MEDICAL PERSONNEL para sa agarang pag-asiste sa mga DISGRASYA bunga ng kalikutan ng mga batang mag-aaral; LIBRARIANS, ACCOUNTANTS, ADMINISTRATIVE OFFICERS at LAWYERS.., upang ang SUPERINTENDENTS at PRINCIPALS ay maka-konsentra sa kanilang EDUCATIONAL TASKS at FUNCTIONS.

Kaya naman, ang grupo ng mga NON-TEACHING PERSONNEL (NTP) ay buong galak na pinasalamatan ang DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) sa pag-apruba ng karagdagang 10,000 NON-TEACHING PERSONNEL POSITIONS para ngayong school year 2025-2026.

“If we truly want quality public service, we should increase the number of non-teaching personnel to handle those auxiliary functions across the entire country,” pagpupunto ni DEPED-NATIONAL EMPLOYEES UNION ATTY. DOMINGO ALIDON.

Aniya, ang NTP ang dapat gagawa ng MULTI-TASKING JOBS sa loob ng paaralan subalit ang ating mga eskuwelahan sa buong bansa ay may kakulangang 42,000 para sa non-teaching positions.., na ito ang nagiging sagwil sa mga guro dahil natatambakan ng iba pang trabaho ang mga guro sa halip na pagtuturo lamang ang dapat nilang gawin.

“It’s very important to have more non-teaching positions because the teachers’ administrative tasks were immediately transferred to non-teaching personnel.., if we truly want quality public service, we should increase the number of non-teaching personnel to handle those auxiliary functions across the entire country.., we appreciate the move of Secretary Sonny Angara for recommending this. Thank you as well to the national government for approving it.,” pahayag ni ATTY. ALIDON nang kapanayamin ng ilang MEDIA PRACTITIONERS.

Ang mga DIVISION OFFICES ay kinakailangan umanong magkaroon ng LAWYERS.., dahil sa ngayon ay nadidisturbo ang mga SCHOOL SUPERINTENDENT na sa halip makapag-konsentra sa kanilang EDUCATIONAL MANAGEMENT ay kinakailangan pang harapin ng mga ito ang LEGAL ISSUES mula sa reklamo ng mga mag-aaral o mga magulang.

“Under the current rationalization plan, smaller school division offices don’t have lawyers. Hopefully, every division office can have its own legal unit.,” pagpapahayag pa ni ATTY..ALIDON.

Hinggil sa panawagang COURTESY RESIGNATION ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR sa kaniyang CABINET OFFICIALS ay naihayag ni ATTY. ALIDON na ang DEPED-NEU ay sumusuporta sa liderato ni EDUCATION SECRETARY ANGARA na kung maaari aniya ay manatili pa sa posisyon si SEC. ANGARA dahil marami na aniyang progresibong naisagawa nito sa kanilang ahensiya.

Sa LIDERATO ni SEC. ANGARA ay ngayon lamang umano nagbigay ng buong suporta ang DEPED-NEU dahil sa mga progresibong naisagawa sa kabuuan ng edukasyon.., na ang nais ng mga bumubuong empleyado ay mapanatili sa pagiging EDUCATION SECRETARY si ANGARA dahil naniniwala silang malaki ang maiaambag nito sa DEPED..,yun nga lang ay nasa pagpapasiya ni PRES. BONGBONG MARCOS JR ang pagmamaniobra sa kaniyang administrasyon!

***

FOOD SECURITY EQUIPMENTS IPINAGKALOOB SA NIA!

Sa 8-POINT SOCIOECONOMIC AGENDA ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay ang FOOD SECURITY ang nangunguna sa pinagtutuunan para sa mga proyektong pang-irigasyon na KEY PRIORITY ng NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA).

Ang proyektong ito ay inisyatibo sa ninanais ni PRES. MARCOS para sa BAGONG PILIPINAS na hindi lamang tutuuon sa mga magsasaka kundi ito ay para sa bawat FILIPINO.

Nitong Lunes (June 2) ay pinangunahan ni PRES. MARCOS at NIA ADMINISTRATOR ENGR. EDDIE G. GUILLEN ang CEREMONIAL TURNOVER ng NIA-PROCURED OPERATIONS AND MAINTENANCE (O&M) EQUIPMENT AND VEHICLES (3rd Tranche Re-Fleeting Program) na isinagawa sa ICON JCB C6 YARD ng TAGUIG CITY.

Ang naturang seremonya ay dinaluhan ni NATIONAL CONFEDERATION OF IRRIGATORS ASSOCIATIONS (NCIA) PRESIDENT HON. REMY N. ALBANO kasama ang NIA OFFICIALS at EMPLOYEES gayundin ng mga LOCAL GOVERNMENT OFFICIALS at FARMERS.

“With a total cost of P799.568 million, the 3rd Tranche involves the procurement of 229 units of various types of O&M equipment and vehicles. This initiative is part of the Agency’s ongoing efforts to modernize and upgrade its fleet to enhance operational efficiency, support field activities, and ensure the timely implementation of irrigation projects nationwide. It is aligned with President Marcos’ directives to fast-track irrigation project development,” pahayag ni ADMINISTRATOR GUILLEN.

Ang 1st Tranche na binubuo ng 141 units ng wheeled excavators na nagkakahalaga ng P776 milyon na ipinagkaloob sa NIA FIELD OFFICES NATIONWIDE noong December 13, 2023 sa SUBIC, ZAMBALES at ang 2nd Tranche ng mga bagong excavators, trailer trucks at dumpers na nagkakahalaga ng P782 milyon ay naipagkaloob noong August 7, 2024 sa MEXICO, PAMPANGA.., na ang mga naunang 2-Tranches ay pinangunahan ni PRES. MARCOS para sa RE-FLEETING PROGRAM ng NIA sa liderato ni ADMINISTRATOR GUILLEN!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.