Advertisers

Advertisers

HANAY NG MGA VENDOR SA MAYNILA, NAGPA-PASALAMAT NA KAY YORME ISKO, BAKIT KAMO?

0 32

Advertisers

Lubos na NAGPAPASALAMAT na kay Yorme Isko Moreno ang hanay ng mga VENDOR sa MAYNILA, bakit kamo?

Ang pagpapasalamat ay bunga umano ng pangako sa kanila ng nagbabalik na Alkalde ng lungsod ng Maynila na sila ay makaka-pagtinda na muli ng kanilang kalakal kung siya ay mahahalal muli.

Ang pangakong ito ay naganap umano noong kasalukuyan pa lang nangangampanya si Isko na kung saan nakaharap nila ito ng personal sa Isang caucus.

Pinangahalagaan daw nila ang binitiwang salita ni Yorme at labis na umaasa dahil sa ito daw ay Isang lalaking kausap.

Hindi pa man pormal na nakaupo sa kanyang tungkulin, inaasam na ng mga VENDOR ang muling pagtitinda nila ng kani-kanilang kalakal sa lungsod ng Maynila.

Si Yorme ay pormal na manunungkulan bilang Alkalde ng Maynila sa Hulyo 1,2025 pagkatapos ng kanyang inagurasyon na gaganapin sa Hunyo 30,2025.

Ang mga sidewalk at street vendor ay labis na nananabik sa bagong kabanata ng kanilang pamumuhay na naging masalimuot daw noong nakalipas na administrasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ayon sa ilang mga reliable sources, magaganap daw ang ina-asam ng mga VENDOR ngunit sa disiplinado, malinis at sistemadong pamamaraan.

Dapat anila ay alam nila ang kanilang limitasyon at hindi dapat maging balagbag sa kanilang kilos at aksiyon.

Sa kabila ng lahat, pananatliin pa rin daw bukas sa trapiko ang mga pangunahing kalye tulad ng CM Recto Avenue, Divisoria, Blumentrit, Plaza Miranda at ilan pang kalsada sa Quiapo at Sta. Cruz area.

Ang hanay umano ng mga VENDOR ay pamamahalaan ng Hawkers, mga tinalagang anti-vending official at kapulisan na naka-detine sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng mga VENDOR na magulo daw ang naging sistema noong nakaraang administrasyon na kung saan sandamakmak daw na tao ang humihingi sa kanila ng Tara.

Nandon na daw ang ilan chairman na aso daw ng ilan politiko,ilan departamento sa city hall, ilan kapulisan at higit daw sa lahat ang pakikialam mismo ng ilan politiko.

Sa mga politikong ito at mga tao nito napupunta halos ang kanilang kinikita araw-araw.

Harinawa’y maging sistemado na at naway maging maayos na ang kalakaran at ikutan sa pamamalakad ng nagbabalik na Alkalde ng lungsod ng Maynila na si Yorme Isko Moreno.