Advertisers

Advertisers

Type na bigyan ng apo ang ama… Gerald todo-deny na hiwalay na kay Julia

0 32

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGBIGAY na ng pahayag si Gerald Anderson tungkol sa napapabalitang hiwalay na sila ng girlfriend for 5 years na si Julia Barretto.

Sa interview sa aktor ni Toni Gonzaga para sa vlog nito na Toni Talks, sinabi niya na sila pa rin ni Julia.

“No, we’re okay. Kanina hinatid ko siya sa airport. Pupunta sila sa Dubai, kaya nga napaaga ako,” sabi ni Gerald.

Itinanggi rin ni Gerald na nag-delete siya ng mga larawan nila ni Julia sa kanyang Instagram account, na naging basehan ng balitang break na sila.

Lagi raw ganoon, na kapag naka-unfollow na, o nag-delete ng pictures ang magkasintahan ay iisipin na agad na hiwalay na sila.

“Nakakalungkot na ‘yun na yung basehan, ano?”sabi pa ni Gerald.

Sa tanong na kung paano ikukumpara ni Gerald ang relasyon nila ni Julia sa kanyang past relationships, ang sagot niya, “Siguro, for one, it’s deeper. Seven years ata ang agwat namin, but si Julia is very mapagmahal. Very motherly.

“Manang-mana siya kay Tita Marj, sa mommy niya. Super.”

Nai-inspire raw si Gerald sa kasintahan.

Pahayag niya: “Yung values na meron siya, yung love na binibigay niya, yung support na binibigay niya, it inspires me to just be better and give her 100 percent, yung best version ko.”

Nasa stage na ba siyang gusto na niyang lumagay sa tahimik?

“Of course. Thirty-six na ako. Kailangan ko na ng anak,” sagot niya.

Humihingi na ba ng apo ang kanyang mga magulang?

“Mas dad ko,” sabi ng aktor.

“Siyempre, gusto ko rin mabigyan ang dad ko kasi 76 na ang daddy ko, e.

“Saka gustung-gusto niya si Julia, parang anak na niya.”

***

WALANG pagdadalawang-isip na tinanggap ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang bagong action light drama series nilang ” Sanggang Dikit FR” na mapapanood na sa GMA Prime.

Sey ni Jennilyn, ” Nagustuhan ko yung concept ang tagal ko ng hindi nakakagawa actually first action series ko ito. Gusto kong subukan dahil gusto ko yung mga challenging na mga roles. ”

Bukod daw sa magandang kwento ng nasabing serye, makakatrabaho pa raw niya ang asawang si Dennis.

Para naman kay Dennis, ang seryeng ito raw ang genre na hindi pa nila nagagawa.

“Medyo ma-action, may light drama. Super Twins pa ‘yung huling action na ginawa namin ni Jennylyn. Nagpapasalamat kami sa aming fight director na si Michael Roy Jornales. Napakaingat niya at maalaga sa amin.”

Nang tanungin naman si Dennis kung paano niya pinrotektahan ang asawa sa mga eksena lalu na sa aksyon, ang sagot niya,””Syempre dito sa programa namin nagre-require na kailangan malakas ‘yung pangangatawan mo. Kami ni Jennylyn, minamabuti namin na maging healthy. Dinagdagan namin yung mga workouts namin, para hindi kami mabigla at ma-injure.”

Sa tunay na buhay raw, on and off cam ay talaga namang magkasanggang dikit sina Jennylyn at Dennis. Highlight daw kasi ito ng pagiging mag-asawa. Sey pa ng aktres, “Pinili naming magsama habang buhay kahit saan kami dalhin ng buhay kailangan sa sanggang dikit.”

Kasama rin sa serye sina Joross Gambia, Allen Dizon, Juancho Trivino, Liezel Lopez, Jeffrey Santos, Al Tantay, Roi Vinzon, Nova Villa at marami pang iba. Sa direksyon ni L.A. Madridejos.