Advertisers
Ni Beth Gelena
UM-attend sina Anne Curtis at Karylle sa premiere ng Park Bo-gum’s K-drama na Good Boy sa Bangkok, Thailand.
Kilala ang dalawang It’s Showtime hosts na diehard fans ng sikat na aktor na si Park Bo-gum.
Naglakad din sa blue carpet ang dalawang actress hosts na ginanap sa isang mall ng siyudad.
“I love that we are all here. Anne has been my fellow K-drama fan for a long time so just going back to kung ano ‘yong mga napanood namin in the past, and that same energy and excitement is kind of kilig,” ani Karylle.
“‘Yong mayroon ka, ‘di ba, that one friend na kasundo mo sa certain things… sa pagiging fan girl,” dagdag pa niya.
Nagkaroon naman ng chance si Anne na ma-interview ang K-actor.
Bale reunion nilang dalawa ni Bo-gum dahil si Anne ang naging host ni Bo-gum nang magkaroon ng fan-meeting dito sa Manila noong 2019 ang sikat na Korean actor.
Ani Anne, “It was nice to see him again and nice to talk about his new series.”
Biro ni Anne sa mga fans, “can expect a ‘pa-sample’ from her interview.
***
NAGPALITAN ng makukulit na messages sina Luis Manzano at Alex Gonzaga dahil sa drawing ng anak ng huli na si Peanut.
Ibinahagi ni Luis at Alex ang kanilang funny exchange online.
Shinare kasi ng TV host ang larawang iginuhit ni Peanut — her dad and her mom, Jessy Mendiola
“Pambihira naman o, BAKIT MUKHA AKONG MIKROBYO?!?” wika ng ama.
Biro ni Alex, “HAHAHA nagtanong ka pa kung bakit tingin ka salamin.”
Sinagot ni Luis si Alex, “Matagal na kita na block, bakit nakaka comment ka.”
***
JUDAY AT GLADYS PInAG-UUSAPAN ANG REUNION PROJECT
IBINAHAGI ng magkaibigang Judy Ann Santos at Gladys Reyes ang kanilang dream reunion project.
Kilala ang dalawa noong Mara Clara days (1990s) kung saan tinutukan ng viewers ang katakter nila.
Sa number one teleserye ay tinagurian na Teleserye Drama Queen si Juday at si Gladys naman ang Pambansang Kontrabida.
Sa nasabing teleserye rin nabuo ang pagiging magkaibigan ng dalawang aktres.
Kumbaga, protagonist si Juday bilang si Mara at antagonist naman si Clara portrayed by Gladys.
Sa isang panayam sa dalawang aktres,
Anila: “Matagal ko ng sinasabi kay Juday ‘to, sabi ko ‘Jud, gawin na natin ‘to.’ Iniisip ko for a change baliktad naman kami. ‘Yung ganun,” ani Gladys
Wika naman ni Juday, “‘Yung aura ni Gladys ‘pag umacting na ‘yan, liliit ka, mas liliit ka pa sa kanya. ‘Yung energy niya as an actor and ‘yung pag pumasok siya sa character, matatakot ka talaga sa kanya.”
Naalala ni Gladys, wala raw silang rehearsal na ginagawa noon kapag gagawin na nila ang eksena dahil alam na raw nila kung papanong atake ang kanilang gagawin.
May time pa nga raw, sa isa nilang fight scene ay may mga galos na sila, nang sumigaw na raw ng cut ang direktor, parang walang nangyari sa kanila at hindi nila iyun ginawan ng isyu.
Ayon pa kay Gladys, ngayon daw ay ang laki na ng difference, “actors have fight directors.”
Nung time daw nila, they just do it on their own.
Yun daw siguro ang dahilan kaya gustung gusto panoorin ng televiewers ang kanilang Mara Clara dahil very natural daw ang mga eksena.