Advertisers
LINGID sa kaalaman ng tiwaling Senado, hindi si Misfit Sara ang nililitis kaugnay ng kanyang mga atraso sa bayan. Kahit ang Senado na dapat buuin ang sarili bilang isang hukuman na lilitis kay Misfit Sara ay nahaharap sa mata ng bayan. Kapag hindi binubuo ng Senado ang sarili bilang hukuman at hindi narinig ng sambayanan ang paliwanag ni Misfit Sara sa maraming paratang ng katiwalian, maituturing na kriminal rin ito tulad ni Misfit Sara.
Sa maikli, nililitis rin ng bayan ang tiwaling Senado na naging tahanan ng mga mambabatas na nuknukan sa kakapusan ng kakayahan, lantarang kamangmangan, at timbulan ng katamaran at katangahan. Nahaharap ito sa ngitngit ng sambayanan at sasabog ito anumang oras ng walang ipinagkaiba sa bulkan.
Sisihin si Tricky Tsis sa lahat-lahat ng problema. Ipinakita ni Tricky Tsis ang tiwaling uri ng liderato sa tiwaling institusyon. Pumasok si Francis Tolentino sa baluktot na interpretasyon ng batas. Kapag hindi tinalakay ng Senado ang Articles of Impeachment, mistulang itinapon ito ng Senado sa kawalan. Mali si Francis sa palsong opinyon.
Hindi panukalang batas ang Articles of Impeachment. Magkaiba sila sa maraming aspeto ng paggawa ng batas at polisiya. Maaaring muling iharap ang anumang panukalang batas sa pagtatapos ng isang Kongreso, ngunit hindi ang Articles of Impeachment. Malinaw ang tagubilin ng Saligang Batas sa bawat isyu ng impeachment na dinadala sa kanila.
Mahigpit ang bilin ng Konstitusyon na kailangan harapin ng Senado ang isang aprubadong Articles of Impeachment mula sa Camara de Representantes. Hindi matatalikuran ng Senado sa trabahong ito. Kailangan litisin ito ng agaran at wala itong itinakdang oras o panahon sa paglilitis.
Dahil pinilit ni Tricky Tsis na ipinagpaliban o itapon sa kawalan ang Articles of Impeachment laban kay Misfit Sara, nahaharap siya sa isang krisis. Ito ang krisis ng tiwala ng sambayanan sa Senado bilang institusyon ng pagbabago. Sino ang nagtitiwala sa Senado?
Ito ang panawagan kung bakit may panawagan na mas maigi buwagin ang Senado at bumalik sa unicameral na Kongreso kung saan ang Lehislatura ay may isang sangay laman- tanging ang Camara de Representantes lang at walang Senado.
Hindi namin lubos maisip kung bakit kailangan swelduhan ang mga inutil at saksakan sa katangahan, kamangmangan, at kabobohan na senador tulad ni Robin Padilla, Bato dela Rosa, Bong Go, Lito Lapid, mga Villar, mga Ejercito at Estrada (pareho rin sila), at iba pa. Pagpapatiwakal na mayroon Senado na inutil.
Hindi namin alam kung matatahimik ang Senado sa mga susunod na araw hanggang sa 2028. Hindi matitigil ang sambayanan sa pagpapaalaala sa kataksilan at kawalan ng pitagan ni Tricky Tsis sa sambayanan. Hindi maaaring basta na lang isantabi ang isyu. Hindi matatahimik si Tricky Tsis sa mga susunod na araw.
***
MAY ISINULAT SI Rommel lOpez, isang netizen at kritiko. Pakibasa:
EXCUSE ME?! MALI. TOTALLY WRONG.
Ang impeachment ay KONSTITUSYONAL NA KARAPATAN ng taumbayan at ng Kongreso. Hindi ito popularity contest o simpleng desisyon lang ng majority sa Senado. May malinaw na proseso ito sa ilalim ng Article XI ng 1987 Constitution.
Kapag na-transmit na sa Senado ang Articles of Impeachment galing sa House, OBLIGASYON ng Senado na i-conduct ang impeachment trial. Hindi ito pwede i-bypass o i-trash dahil lang sa boto ng majority. Hindi ito optional.
Parang sinasabi na rin ni Escudero na kahit may sapat na ebidensya at basehan, eh kung ayaw ng mga kaalyado nila, wala na?
HINDI GANYAN ANG CHECKS AND BALANCES SA GOBYERNO!
Nakakagigil. Imbes na magpakita ng leadership at respeto sa Konstitusyon, parang may pinoprotektahan.
Gut feel ko, si Sara Duterte ang may hawak ng remote. Puppet na lang si Chiz.
Nakakalungkot. Akala ko pa naman may prinsipyo siya. Pero ngayon, mukhang tagapagtanggol na lang siya ng kapangyarihan, hindi ng batas.
Wag nyo kaming ginagawang tanga. We know the law. At alam namin mali ito at hindi ninyo basta-basta matatakpan ‘to ng presscon o palusot.
***
MGA PILING SALITA: “Chiz Escudero deliberately ran the clock out on the impeachment to ensure there would be no trial in the 19th Congress. And NOW they claim the impeachment can no longer carry over to the 20th Congress? Sinadya niyong magbagalbagalan tapos sasabihin nyo wala nang oras? Kalokohan.” – Barry Gutierrez, dating mambabatas, netizen, kritiko
“By delaying or throwing out the impeachment trial of Misfit Sara, Tricky Tsis is touching the nerve of history. He’ll pay dearly for it.” – PL, netizen, kritiko