Advertisers

Advertisers

PBBM GUSTO ITULOY ANG BSKE SA DIS. – SP CHIZ

0 45

Advertisers

POSIBLENG matuloy na ang itinakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating Disyembre 1, 2025.

Ito ang ibinahagi ni Senate President Francis Escudero, at aniya ito ang naging usap-usapan sa nakalipas na Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) meeting.

Sinabi pa ni Escudero na naging tampok din sa pulong ang pagtatakda ng apat na taon na termino ng barangay officials.



Ngunit nilinaw ng senador na hindi pa rin tiyak na matutuloy ang eleksyon dahil maaring magpasa pa ang Senado at Kamara ng panukalang-batas para sa pagpapaliban nito.

Ang huling Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay naganap noong Oktubre 2023 matapos maipagpaliban mula sa unang naitakdang petsa na Disyembre 2022.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">